^

PSN Showbiz

Toni, kinausap nang masinsinan ang mapapangasawa ni Alex

SHOWBIZ GANERN! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Toni, kinausap nang masinsinan ang mapapangasawa ni Alex
Mikee at Alex
STAR/ File

Nagkakausap lamang si Toni Gonzaga at ang kasintahan ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada kapag mayroong mga pagtitipon sa pamilya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipag-usap si Toni nang masinsinan sa mapapangasawa ng nakababatang kapatid. “Kasi he’s going to be part of our family. He’s going to be my brother-in-law, so di ba? Para mas alam ko lang history ni Mikee,” paliwanag ni Toni.

Mapapanood ang naging panayam kay Mikee sa sariling Youtube channel ng aktres na Celestine Gonzaga-Soriano. Nalaman ni Toni mula sa binata kung ano ang katangiang pinaka-nagustuhan nito kay Alex. “’Yung love niya sa family. Kasi very important ‘yon,” bungad ni Mikee.

Kahit malapit nang magpakasal sina Alex at Mikee ay mayroong isang ugali na ayaw ng binata sa aktres. “‘Yung time, kunyari meron pala siyang trabaho the next day tapos papupuntahin ka niya, pero kailangan pala niyang matulog nang maaga. Tapos sasabihin ko sa kanya, ‘Bakit mo pa ako pinapunta dito?’ ‘Yon lang,” natatawang kwento ni Mikee.

Kapag mayroong mga hindi napagkakasunduan paminsan-minsan ay agad naman daw itong naaayos ng magkasintahan. “Kasi ayaw namin ‘yung may iniisip. Gusto ko nire-resolve agad. Siguro may times man, siguro one day? The next day, okay na. Naniniwala akong kailangan mo lang talagang kausapin eh. Tapos distance muna ng konti. Minsan few days, minsan few hours magme-message na,” pagbabahagi ni Mikee kay Toni.

Kiko at Devon, mas tumibay dahil sa pandemic

Dalawang taon nang magkasintahan sina Devon Seron at Kiko Estrada. Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Pwera Usog noong 2017 at pelikulang Walwal noong 2018. Ayon sa aktor ay mas tumatag ang kanilang relasyon ng dalaga ngayong panahon na mayroong pandemya. “I’m very happy. I had peace and I want to maintain that as long as I can. It only made us stronger. Nag-aalala ako sa kanya, nag-aalala siya para sa akin. So the love grew stronger for me. Kasi of course if you’ll ask her if she miss me, of course I miss her, too. Pero that’s the situation na, wala na tayong magagawa. So we have to fight through adversity,” paglalahad ni Kiko.

Isa ang aktor sa mga bida ng teleseryeng Bagong Umaga na napapanood sa Kapamilya Channel. Katambal ni Kiko sa naturang proyekto si Michelle Vito na kasintahan naman ni Enzo Pineda sa totoong buhay. Bilang kapwa-artista ay hindi umano nakararamdam ng selos si Devon pagdating sa trabaho ni Kiko. “She’s the least. Sometimes nag-i-script read pa kaming dalawa. I script read my scenes with her and sometimes she script reads her scenes with me,” maikling kwento ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

ALEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with