^

PSN Showbiz

Andrea, iwas idawit ang pamilya ni Derek

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Andrea, iwas idawit ang pamilya ni Derek
Andrea

Ngayon ay naniniwala nga kaming hindi lang tampuhan, kundi masasabing wala nang balikan pa ang relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Kasi ngayon si Andrea na ang nagsalita na totoong tapos na ang lahat sa kanila ni Derek. Wala rin naman siyang sinabing dahilan ng split, dahil sa respeto daw niya sa pamilya ni Derek at sa naging relasyon nila. Parang sinabi niya na kung ilalabas pa niya ang dahilan, maaapektuhan pati ang pamil­ya ni Derek.

Marami ang nanghinayang sa kanilang relasyon. Akala kasi ng mga tao iyon na nga ang totoo. Sinasabi pa kasi ni Derek na magpapakasal sila sa tamang panahon. Nagpagawa pa siya ng bahay at sa isang interview ay sinasabi niyang may terrace sila na siyang favorite place ni Andrea.

Noong magkaroon nga ng aksidente dahil sa pagre-repair ni Derek ng isang appliance nilang may UV light, at sumakit ang kanyang mga mata, sinabi niyang naghilamos siya at humanap siya ng solusyon, “dahil ayaw kong magi­sing si Andrea.” Meaning magkasama na sila sa bahay, kaya nga si Andrea rin ang nagsugod sa kanya sa ospital dahil sa nangyaring iyon.

May nagsasabi namang balewala iyon dahil kung iisipin nga naman ninyo, gaano ba katagal na nag-live in sina Derek at Angelica Panganiban? Noon ba iisipin mo ring magkakahiwalay pa sila?

Pero dahil pareho nga silang ayaw magsalita sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, kahit na sinasabi nila pareho na wala namang involved na third party, may mga sources pa ring iginigiit na “mayroon.” Ang masama, may mga tao pang nadadamay dahil sa pagbibintang na sila nga ang “third party.” Kasi naman ngayon nauuso sa show business ang ­“ghosting.”

Sa pagdaraan ng mga panahon, imposibleng hindi rin lumabas ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Angelica, tameme pa sa bagong ‘papa’

Samantala noong nag-birthday naman kamakailan si Angelica Panganiban, marami ang natawag ang pansin sa sinasabi ng mga kaibigan niyang “something good happened to Angelica.” Marami ang naghuhula kung ano ang something good na iyon. Isa bang malaking project? Nanalo ba siya sa lotto?

Hindi pala. Ngayon nagsisimula nang kumalat na mukhang in love na naman si Angelica, this time daw sa isang Australian businessman, na based sa Subic at ang negosyo ay gawaan ng mga yate, o kahit na mga malaking barko. Matagal nang maraming negosyong ganyan sa Subic.

Kinilala ng ilang sources na ang bagong love of her life ay si Gregg Homan. Pero walang kumpirmasyon iyan at ang base lamang ay ang palitan nila ng conversation sa social media kung saan tinawag ni Gregg si Angelica ng “honn.”

Pagyayabang ng yaman, wala na sa ayos

Hindi naman siguro masamang ipagsabi na ikaw ay mayaman kung talaga namang saksakan ka ng yaman. Pero ang sinasabi nila, parang wala sa ayos na kung kailan naghihirap ang buong bayan dahil sa pandemya at sa mga sunud-sunod na kalamidad na nangyari, habang ang marami ay nananawagan ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad, hayan ka na naman at lalabas na nagyayabang ng kayamanan mo.

Kung sabagay, talaga namang mayaman siya, pero dapat bang ibilad ang kayamanang iyon sa ganitong panahon? Hindi na niya naisip na may fans din siyang nasira ang bahay at lumubog sa baha, o maaaring namatayan pa. Tapos parang wala kang pakialam na ilalantad na mayaman ka.

Sino nga ba ang maaaring kumuwestiyon sa kayamanan ng isang tao, lalo’t alam naman na ma­laki ang kanyang kinita, at malaki ang minana mula sa mga magulang niya. Kaya lang mukha ngang wala sa ayos na magyabang sa ganitong panahon.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with