^

PSN Showbiz

Kim, na-realize na hindi importante ang luho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, na-realize na hindi importante ang luho
Kim
STAR/ File

Maraming mga bagay ang natutunan ni Kim Chiu dahil sa kanyang mga pinagdaanan ngayong taon. Bukod sa pagsasara ng ABS-CBN at pagkakaroon ng covid-19 pandemic ay sunud-sunod din halos ang mga kala­midad sa bansa. “This year I’ve learned so much. Nakilala ko ‘yung sarili ko and I’ve learned na pwede pala ‘yung mga bagay na ganito gagawin mo sa bahay. Then I also learned na ‘yung mga bagay dati na mga expensive stuff, signature bags, luho mo. It’s not that important naman pala. The most important is your circle, your family, your friends. ‘Yung tao nandiyan sa iyo kasi ‘yung mga materyal na bagay, it’s nothing. Ngayon ‘pag pumupunta ako ng grocery, ‘yung mga kailangan ko lang, hindi na ‘yung mga extra-extra,” pagbabahagi ni Kim.

Kahit maraming kinaharap na mga pagsubok ay nananatili  namang positibo ang pananaw sa buhay ng aktres. Para kay Kim ay nagiging masaya siya kapag nakakakita ng mga taong masaya. “Pangit pakinggan pero happy ako kapag may taong happy. Kasi kailangan nating maging happy for each other dahil ‘yon ang kailangan natin, ‘yung support. So kung happy ka, support kita. Happy din ako para sa iyo. And then not everyone can smile and ‘yung parang genuine smile and genuine happiness dahil sa ilalim do’n meron at meron tayong pinagdadaanan. But we’re very thankful na kahit paano, we are able to smile and we were able to feel na happy tayo. I’m happy to see everyone happy,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Ina, nagiging malinis ang pakiramdam ‘pag pinapawisan

Isa si Ina Raymundo sa mga pinakaseksing aktres sa kanyang henerasyon. Ayon sa aktres ay hindi naman perpekto ang hubog ng kanyang katawan at naiilang din sa kanyang puson. “Meron akong inhibitions pa rin sa tummy ko. Kaya nga I go to my beauty clinic to help me with my tummy problem. But I am not obsessing about it,” pagtatapat ni Ina.

Abala man bilang asawa at pag-aaruga sa limang anak ay sinisikap ng aktres na makapag-exercise nang madalas upang mapanati­ling maayos ang kondisyon ng katawan. “’Yon ang challenge ko, kung paano ko maisisingit ‘yung work out because all I need is one hour a day. One hour of workout is perfect for me. Working out really changed my perspective in everything. It really cleaned me from within. Kasi when you work out and you sweat out, kahit ano pang toxins ‘yung kinain mo, nilabas mo agad. It always makes me feel clean, confident and happy,” paglalahad niya.

Minsan ay tinutukso na raw si Ina ng mga anak kapag may pumupuri sa pagiging ‘hot mom’ ng aktres lalo na sa social media. “Minsan nag-eye roll sila. ‘Yung son ko sabi niya, ‘Why do you look so fancy mama?’ Pa-joke, nagugulat pa rin sila kung bakit minsan nakaayos pa rin ako or naka-make-up ako. Tini-tease nila ako but I think they appreciate it silently,” nakangiting kuwento ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with