^

PSN Showbiz

Gen. Parlade, tinanggap ang paliwanag ni Angel

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nagkita, nag-usap, at nagkaliwanagan na pala ang aktres na si Angel Locsin at si Lt. Gen. Antonio Parlade, na nagbigay sa kanya ng warning dahil sa pakikiisa diumano sa mga grupong subersibo, at nagsabi ring sumapi sa NPA ang kapatid niyang si Angela “Ella” Colmenares. Kinontra ni Angel ang akusasyon, at tinawag iyong “red tagging.” Naghamon din si Angel na kung may ebidensiya ang heneral, ipagharap na lang sila ng kaso sa korte. Doon nga naman lalabas kung ano talaga ang totoo.

Pero hindi naman dapat na umabot pa sa ganoon kalaki ang kanilang problema. Kailangan nga lang siguro magkaliwanagan. May nagbibigay kasi ng intelligence feed, walang ebidensiya pero hindi dapat balewalain. Pero maaari namang matanong nang diretso si Angel, after all sinasabi naman ni Lt. General Parlade na kaibigan ng kanilang pamilya si Neil Arce na mapapangasawa naman ni Angel. Hindi kami sigurado, pero ang paniwala namin ang relasyong iyon ng pamilya ni Neil, at ng pamilya ng heneral, ang nagsilbing daan para sa pag-uusap nila ni Angel.

Sa kanilang usapan, nilinaw ni Angel na hindi siya sumasali sa alin mang samahang subersibo. Hindi rin siya kasama sa mga gustong gumamit ng karahasan. Wala rin sa isip niya ang pagpapatalsik ng gobyerno. Nilinaw din niya na ang kapatid niyang si Ella ay dating aktibista, pero hindi sumali sa NPA. Natanggap naman iyon ni Parlade.

Sa kaso ng heneral, kinilala naman niya ang pribadong efforts ni Angel Locsin sa pagtulong kung may mga disaster, at ang ginagawa rin niyang pagtulong maski na sa AFP.

Kung ganoon naman pala, siguro nga may gumawa lamang ng tsismis kaya hindi sila nagkaintindihan. Lahat ng efforts ni Angel kahit na noong nakaraang panahon ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng Red Cross. Papaano mo nga naman masasabing iyon ay kilusang subersibo?

Rayver, binagayan din ng pagho-host

Noong isang gabi ay napanood namin ang isang amateur singing contest sa telebisyon, pero hindi iyong show mismo o ang mga kumanta ang nakatawag ng aming pansin. Ang nakatawag ng aming pansin ay ang actor na si Rayver Cruz. Napakahusay palang host ni Rayver, pero aywan kung bakit ngayon lamang natuklasan iyon. Ngayon lang siya nabigyan ng ganoong hos­ting job.

Noong una kasi ang paniwala nila, siya ay isang actor lamang, tapos puwede pala siyang sumayaw. Doon na siya natigil.

Pero siguro naisip din naman niya na maraming bagay pa siyang puwedeng gawin at ang kailangan nga lang ay mabigyan ng chance. Lumipat siya ng network kung saan inaakala niyang mas mabibigyan siya ng trabaho. Iyan sinubukan nga nila ito sa hosting, at napakahusay naman pala niya.

Iba rin kasi ang dating noong host na guwapo, mahusay magsalita at bata pa.

Aktor na hindi na aktibo, tinanggihan ang madatung na cougar

Kinakausap daw ang isang male star  ng manager ng kanyang girlfriend na artista rin, at sinabing may iaalok siyang project. Nakipag-usap naman ang male star para malaman kung anong project iyon. Iyon pala, ang sinasabing “project” ay “gusto raw makilala at maka-date” ng isang “cougar” na showbiz personality na laos na rin naman ngayon, at hindi na makuha kahit saan, ang male star.

Aba, kahit matagal nang walang project ang “cougar” na personality na iyan, hindi mauubos ang pera niyan at “makakapagdatung pa sa lalaking type niya.”

Pero tumanggi ang male star at ipinaliwanag na kumikita pa naman siya nang legal sa kanyang career. Hindi nga malaki, pero sapat na para sa kanya at sa kinabukasan niya. Butata ang “cougar” na personality.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with