^

PSN Showbiz

Aktor, diniretso kay VP Leni ang donasyon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Dasal at paglikom ng donasyon ang karamihang ipinu-post ng mga kilalang celebrities para sa mga nasa­lanta ng bagyong Ulysses.

Bukod sa pagkalubog ng Marikina, matin­di rin ang pinagdaanan ng Cagayan kaya kahapon ng umaga ay nandun na si Vice President Leni Robredo para kumustahin ang mga kababayan natin doon, at nakatakda na ring pumunta roon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero hindi naman maiwasang ma-involve sa isyung pulitika ang mga kilalang celebrities dahil karamihan sa kanila ay very vocal sa pagpahayag ng kanilang saloobin sa mga nangyayari ngayon at ang ginagawa ng ilang pulitiko.

Samantala, patuloy naman sa pangangalap ng donasyon at tulong ang ilang artista.

Isa na nga rito ang grupong Aktor.Ph at regular silang nagpu-post sa kanilang social media account na kailangan pa nilang maglikom ng donasyon at iba pang tulong para sa mga nasalanta ng baha dahil sa bagyong Ulysses.

Pero nahahaluan ng pulitika dahil na rin sa ilang post, kagaya nitong sa Twitter ni John Lapus na mensahe niya kay VP Leni.

Aniya, “Mam @lenirobredo dadalin na po ng @Aktor.Ph ang mga naipon naming donation sa office nyo. Salamat po at ingat po kayo.”

Si Vice Ganda naman ay nanawagan sa kanyang fans na nagsimula na rin siyang maglikom ng donasyon para sa mga nasa­lanta ng bagyong Ulysses.

Meron siyang FUNDkabogable Donation Drive, na sa mga gustong magbigay ng donasyon, puwedeng ipadala sa BDO account ni Raquel Frieda Buenvenida, number 012840010875 at GCash ng Vice Ganda Fundkabogable Donation Drive, 09672939748.

Ang grupo naman nina Chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino ng Grateful Tuesdays ay nakapag-ipon na rin ng mga donasyon, mga pagkain, damit at kumot na ipamimigay nila sa mga nabahaan sa Marikina.

Ngayong linggong ito ay nasa Marikina sila kasama ang mga artists ng Cornerstone para ipamigay sa naturang lungsod.

Si Pokwang naman ay ipinost na sinagot ang panalangin niyang makita ang anak ng kasambahay niyang inanod ng baha.

Sabi niya, “Thank you God nag-pray ako kay Saint Anthony of Padua kagabi na sana makita ang anak ng kasambahay ko na naanod sa baha sa Montalban! At ayun natagpuan na ang bata at buhay siya. Salamat po.”

Kaya sa panahon ngayon ay talagang dasal ang pinakamabisang gawin na malagpasan natin ito. Nakakatulong din siguro ang pagkakaisa at huwag na munang magtirahan at maghanap ng diperensya ng kapwa.

Paolo, Walang kaartehan sa hubaran

Bago pa nanalasa itong bagyong Ulysses, balak pala sanang pumunta ng indie actor na si Paolo Gumabao sa Catan­duanes na talagang itinuturing niyang probinsya.

Taga-Catanduanes pala ang mommy niya na nakapag-asawa ng isang Taiwanese.

Sa Taiwan daw siya lumaki pero kapag umuuwi raw sila ng Pilipinas, sa Catanduanes daw sila tumutuloy kaya napamahal daw sa kanya ang naturang probinsya.

Pero dumating itong Ulysses na nagdagdag pa ng pagkasira sa Catan­duanes.

Kaya gusto na rin sana niyang makalikom ng donasyon para ipadala sa probinsya niya.

“That’s one thing na nilalakad ko po ngayon. Nag-start pa lang po

ako… may mga ini-edit po akong videos para mai-send ko po sa mga tao, para makahingi po ako ng funds,” pakli ni Paolo nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Kagaya ng half-sister niyang si Michele Gumabao, kaagad na tumulong ito sa pagpapakain sa mga nabahaan sa Marikina.

“Si Ate Che, I looked up to her a lot because…one thing I love her sobrang makatao siya. Hindi lang niya laging iniisip yung sarili niya, hindi lang niya la­ging iniisip yung benefits for her. Pero iniisip niya yung mga taong nasa pa­ligid niya. Hindi lang yung mga taong kakilala niya, kundi ang mga taong hindi niya kakilala na nangangailangan ng tulong.

“Para sa akin, that’s something na hands down ako talaga.

“I’m really really proud na ate ko siya,” pahayag ni Paolo na close naman pala talaga siya sa mga kapatid niyang sina Marco at Michele Gumabao.

Si Paolo ang bida sa pelikulang Lockdown na dinirek ni direk Joel Lamangan.

Sobrang mapangahas dito si Paolo na walang kaarte-arteng naghubad sa harap ng kamera.

Napapag-usapan daw nila ito ni Marco at suportado naman daw siya ng kuya niya.

“Nu’ng nag-start po ako nu’ng 15 years old po ako, si Marco pa po ang

nagsasabi sa akin kung anong dapat gawin sa set…on how to act, how to treat the co-actors, the director,” dagdag na kuwento sa amin ni Paolo.

Pero proud si Paolo sa pelikulang ito dahil naidirek siya ni Joel Lamangan ng isang pelikulang napakaganda raw ng istorya.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with