^

PSN Showbiz

Hyun Bin may sawa factor

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Hyun Bin may sawa factor
Hyun Bin
STAR/ File

Parang mabilis ding pinagsawaan ng Pinoy fans ang Korean actor na si Hyun Bin.

Kasi naman gamit na gamit ang social media account niya sa mga promo ng kanyang endorsement at obvious na may administrator ang account.

Hindi sila kasi katulad sa local celebrities natin na hina-handle ang accounts kaya parang may personal touch.

Ang kay Hyun Bin, alam mo namang ang target  ay Pinoy fans na talagang addict sa K-drama.

Sumikat sa Pilipinas si Hyun Bin dahil sa Crash Landing On You.

But in all fairness, umabot din sa 1.3 million ang followers nito.

11.11 sale parang may new year countdown habang niraragasa ng bagyo!

Parang may new year countdown na inabangan ang mahihilig sa shopping sa 11.11 ng e-commerce platforms since the other night.

As in may raffle, pa-party, concert, giveaways, etc. etc. kaya naman marami ang naaligaga.

Pero parang ‘di natuloy ang original plan sa isang endorser ng isang e commerce platform.

Anyway, isang malaking ‘mall’ na nga ngayon ang mga social media / e-commerce platforms.

Grabe, hindi mo na talaga kailangang lumabas o rumampa sa mall para mamili dahil ayan na habang nagtatrabaho ka ang daming nagpa-pop up na reminder o sale.

Kaya nga wala na halos ngayon pakalat-kalat sa mall para mag-window shopping dahil ito na, new normal na talaga, kaharap mo na lang.

Samantala, isang lugar sa Cebu ang may ipinasarang opening ng isang shoe store  na dinagsa ng shoppers at nakalimutan ang social distancing kaya agad ding pinagsara dahil sa 11.11 sale.

vuukle comment

HYUN BIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with