^

PSN Showbiz

Na-develop sa lock-in? Zanjoe and Angelica, may something nga ba?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Na-develop sa lock-in? Zanjoe and Angelica, may something nga ba?
Angelica at Zanjoe

Uy may chance kaya na maging si Zanjoe Marudo and Angelica Panganiban?

May ilang kino-konek si Zanjoe kay Angelica sa isang post nito sa social media na parang may kasama ang aktor na hindi pinakita sa kanyang post.

Co-stars ang dalawa sa Walang Hanggang Paalam at during the launching pa lang nito ay parang may nakikita na raw silang nagiging ok ang dalawa.

At ang may alam daw nito, ang isa pa nilang co-star sa drama serye na si Paulo Avelino.

Pero ‘di ba may nababalitang may girlfriend si Zanjoe though walang outright admission na sila na nga ng vlogger /surfer na na si Josie Prendergast?

Mga pamilya sa Bicol at Southern Tagalog, tumanggap ng relief packs sa Sagip Kapamilya

Umiikot na pala sa iba-ibang probinsya ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation para magdala ng pagkain at relief packs sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Sa tulong ng mga donor at partner, 1,000 food packs na raw ang naihatid sa Brgy. Puro at Peñaranda sa Legazpi, Albay habang 533 pamilya naman ang nabigyan ng relief bags sa Brgy. Gapo sa Camalig, Albay.

Nakadaan na rin pala ang Sagip Kapamilya sa Brgy. Travesia sa Guinobatan, Albay, kung saan 265 pamilyang bakwit sa Travesia Elementary School ang naabutan ng relief goods. Nag-iwan din sila ng mga gamot ang grupo sa Barangay Health Center doon.

Ayon sa magsasakang si Solomon Octavo, isa sa mga nakaligtas sa Guinobatan, labis ang paghihirap nila dahil tinabunan ng baha at lahar mula sa Bulkang Mayon ang tahanan at taniman niya.

“Magmula noong lumaki ako, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong nangyari. Ang sinalba lang namin, buhay namin,” aniya sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Bukod sa mga probinsya sa Bikol kabilang ang Catanduanes, nakarating na rin ang relief operations ng Sagip Kapamilya sa Southern Tagalog, na malubha rin ang tinamong pinsala dulot ng bagyo.

Ayon kay Jen Santos, ang director for operations ng ABS-CBN Foundation, marami naman ang nagpaabot ng intensyon nilang mag-donate o tumulong, kwento niya sa ABS-CBN News.

Gayunpaman, dama nila ang kawalan ng ABS-CBN Regional, na itinigil na ang operasyon dahil sa hindi pagbigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with