^

PSN Showbiz

Stress at mga worry ni Elisse, tanggal sa K-drama!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Stress at mga worry ni Elisse, tanggal sa K-drama!
Elisse
STAR/ File

Nakahiligan ni Elisse Joson ang panonood ng mga Korean drama tulad ng Weightlif­ting Fairy Kim Bok-joo, Crash Landing on You at The World of A Married Couple. Aminado ang aktres na isa na siyang K-drama fan ngayon. “Relatable siya pero original pa rin ‘yung istorya. Makaka-relate ka sa characters pero hindi siya ‘yung araw-araw mong mapapanood. Parang laging bago ang konsepto nila,” bungad ni Elisse.

Bilang isang aktres ay nakakakuha umano ang dalaga sa mga napapanood na K-drama ng mga istilo sa pag-arte na maaaring magamit sa trabaho.

“Ibang klase rin sila mag-portray ng roles. So kami siyempre hangang-hanga bilang mga artista, aktor dito sa Pilipinas. Siyempre kukuha tayo ng mga good thing about their acting. Kukunin natin ‘yon at ita-try nating i-adapt,” paglalahad ng aktres.

Para kay Elisse ay malaki ang naitutulong ng kanyang panonood ng mga K-drama dahil pansamantalang nakalilimutan ng aktres ang mga problemang kinakaharap. “Masaya siyang panoorin kasi parang makakaalis ka. Siyempre ngayon nasa pandemic tayo, kapag nanood tayo ng K-drama parang nawawala lahat ng stress at worry mo. kasi parang may halong kilig, mayroong halong masaya lang,” paliwanag ng dalaga.

Daniel, nag-iipon na para sa magiging pamilya nila ni Kathryn

Walong taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon sa aktor ay talagang nakikita niyang pakakasalan na ang dalaga sa mga susunod na taon.

“After three or four years basta before ako mag-thirty (years old) gusto ko. Ayoko masyado patagalin kasi ‘pag tumapak na ng thirty ang bilis na eh. Sana before thirty maging swabe na ang lahat at matuloy ang kasal. Why not? Why wait? Kung okay naman ang sitwasyon at least kung hindi ka masyado matanda pwede ka pang makipaglaro (sa mga anak). Kaya din gusto ko siya maging goal, ‘yung edad, sayang eh,” pagtatapat ni Daniel.

Dalawampu’t limang taong gulang na ngayon ang aktor at puspusan na rin ang ginagawang pag-iipon para sa kinabukasan ng magiging pamilya nila ni Kathryn.

“Oo naman, kailangan pa mag-ipon para kapag sa panahon na magpapamilya na, hindi ka naghahabol sa trabaho. Para steady ka lang, may oras ka sa pamilya mo. Kung gusto mo magtrabaho, sige,” dagdag niya.

Ngayong Linggo ay mapapanood na sa ktx.ph ang virtual concert ni Daniel na Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience. Bukod sa naturang online concert ay kailangan rin pakaabangan ng mga tagahanga ang The House Arrest of Us na muling pagtatambalan nina Kathryn at Daniel.

“The show itself it’s not normal but it’s not bad. It’s just different. Napakasaya ng show namin, ‘yung ino-offer namin sa mga tao sa panahon ng pandemic. Kami ni Kathryn and all the cast, gusto namin sila bigyan ng mga ngiti at kasiyahan sa mga puso. Kahit ako kung anu-ano pinaggagawa ko do’n,” natatawang pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

CLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with