^

PSN Showbiz

Jinkee, guwardyado!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, guwardyado!
Jinkee Pacquiao

May celebrities talaga na newsmaker. ‘Yung bawat galaw talagang balita agad, sinusundan at sinusulat agad.

Isa riyan si Jinkee Pacquiao, iyon bang lahat ng galaw niya napapansin at lahat ng bibilhin niya, may comment ang mga tao.

Nakita mo naman, Salve, na napakabait ni Jinkee ‘di ba? Ac­tually may pagkamahiyain pa nga ito, hindi mai­ngay at hindi papansin, tahimik lang siya.

 ‘Yung mga gamit niya, eh ano ba kung mamahalin, pera naman nila ni Champ Manny ‘yung pinambili nila ng gamit. So what kung mga signature at mamahalin ang bag niya, o mahal ang mga damit niya, karapatan niya iyon. ‘Yung mga alahas niya, Jinkee Pacquiao siya kaya dapat lang na mamahalin ang mga suot niya.

Kung minsan nga nakakaawa na, kasi lahat ng kilos ni Jinkee sinusundan, at para bang hindi na siya puwedeng gumalaw. Pinaghirapan ni Manny Pacquiao ang lahat ng tinatamasa nila ngayon, so kung saan gustong gastahin ni Jinkee ay karapatan niya iyon, ibigay natin sa kanya.

Mabuti nga at hanggang ngayon hindi nagbabago ang ugali ni Jinkee, mabait, magalang at tahimik, kaya nga ‘yung konti niyang ligaya sa pagkakaroon ng luxury items now, pabayaan natin siya. Let her enjoy it, dugo at pawis ang puhunan ni Manny Pacquiao rito para lumigaya ang asawa niya, so let it be ‘di bah!

Kung puwede lang na lahat tayo ay may asawang Manny Pacquiao, wish ko lang, para maging Jinkee tayo, ‘di ba Bernard Cloma? 

Joshua at Bimby, pinaghuhugutan ng lakas ni Kris

Cute naman ng photos nina Kris Aquino, Joshua at Bimby na lumabas. Talagang kitang-kita mo kung gaano ka-close ang mag-iina at kung paano pinalaki ni Kris ang kanyang dalawang boys.

Parang barkada ang samahan nilang tatlo, kaya nga halos kahit saan ay lagi silang magkakasama. I think sina Joshua at Bimby ang talagang tower of strength ni Kris. Siguro kung wala ang dalawa niyang anak sa kanyang tabi, baka talagang mada-down na ang feeling niya sa mga naganap sa paligid niya.

At ito tuwang-tuwa si Ronite ng @dpersonalshopperph na nag-message sa kanya si Kris ng thank you, talagang kahit pa nga nasa incommunicado stage si Kris, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagiging proper at thoughtful, ang magpasalamat sa small things na ginagawa para sa kanya ng mga taong mahal siya.

Alam niya na matagal na siyang favorite ni Ronite, kaya naman natuwa siya rito.

Sana nga hudyat na ang paglabas ng photo nilang mag-ina sa muling pagiging aktibo ni Kris sa media.

Kalokah nga, na siya ang nag-start ng YouTube na sinundan ng halos lahat tapos siya naman ang inactive ngayon. Eh kahit anong komentaryo lang ang gawin niya, dumarami pa rin ang followers niya. At meron na siyang equipment para mas maging maganda ang presentation niya, so gaya ng dati, wait wait lang sa bulaga ni Kris Aquino. 

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with