^

PSN Showbiz

Michelle, handang tumanggap ng mature roles

Kim Vedad - Pilipino Star Ngayon
Michelle, handang tumanggap ng mature roles
Michelle

MANILA, Philippines ? Ibinahagi ng ilan sa mga artista ng drama series na Ang Sa Iyo ay Akin ang naging epekto sa kanila ng pagkakaroon ng pandemic.

Pare-parehas silang nagkaroon ng anxiety at nahirapang mag-adjust sa new normal ngunit para sa komedyana na si Brenda Mage ay ‘maganda’ ang epekto nito sa kanya. “Sa akin po with my group po sa bahay sobrang kabaliktaran. Sobrang saya ko never ako naka-feel ng kagaya ng depression or nalulungkot.”

Ayon pa sa komedyana, naging advantage pa ito sa kanya dahil mas nagkaroon siya ng oras para gumawa ng content sa kanyang vlog. “Positive siya in a way na halos lahat ng accounts ko sa social media ay nadagdagan ng followers.”

Dagdag pa ng komedyana, hindi lang daw sa Pilipinas kundi pati mga OFW sa iba’t ibang bansa ay nakasubaybay sa kanyang vlog.

Kaya naman mas nadagdagan ang viewers niya at mas tumaas ang income na nakukuha niya sa YouTube.

Samantala, ibinahagi niya rin na isang dekada na siyang pa extra extra sa mga palabas.

Kabilang din sa inaabangan ng fans sa teleserye na pinagbibidahan ng tatlong magagaling na aktres na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano ay sina Michelle Vito at Paulo Angeles. Light at tamang pakilig lang ang mga eksena ng dalawang young stars ngunit marami pa rin ang natutuwa sa tandem nila.

Nang tanungin sila sa ginanap na Zoom conference last week kung ready na ba sila sa mga mature na eksena : “I think naman for me as long as maganda ‘yung script, maganda ‘yung story nung show or movie pwede naman po,” pahayag ni Michelle na girlfriend ni Enzo Pineda. Dagdag pa nito, “Pwedeng mature pero ‘di to the point na talagang may mga sexy scene.”

Ayon naman sa kapareha ni Michelle na si Paulo. “Chill lang ako, nirerespeto ko yung sa akin wala akong abs so ayoko pag meron na lang ako, saka na ako,” biro ng aktor.

Samantala, magkaedad ang magkatambal na sina Michelle at Paulo - 23 years old na at parehas din pala sila ng birth month kaya naman pala malakas ang chemistry nila on cam.

Dati na silang magkakilala at magkaibigan kaya naman komportable na rin sila sa isa’t isa. Masaya rin sila sa sari-sarili nilang lovelife.

Napapanood Ang Sa Iyo Ay Akin gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 p.m. at iWantTFC.

vuukle comment

MICHELLE VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with