^

PSN Showbiz

Gerald, positibo pa rin kahit humaharap sa krisis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, positibo pa rin kahit humaharap sa krisis
Gerald
STAR/ File

Kahit patuloy na humaharap sa krisis ang buong bansa dahil sa banta ng co­vid-19 pandemic ay nananatili namang positibo ang pananaw ni Gerald Anderson sa buhay. “Siguro hanapin lang ‘yung contentment at peace sa negosyo namin, sa industriya namin. Mara­ming nakikialam eh, maraming may say, maraming may opinion, maraming may judgment. Buhay ko ito, buhay mo iyan. Kung anong nagpapasaya sa ‘yo, hindi mo naman talaga sadya manakit ng tao, tapakan. Just live your life and be happy,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Bukod sa pagsasara ng ABS-CBN ay ikinalungkot din ng aktor ang naging epekto ng pandemya sa negosyo niyang The Th3rd Floor gym.

Sa kabila ng mga pagsubok ay may mga tao namang palaging nakasuporta kay Ge­rald. “My values and personality and everything about me has been questioned mula last year. But I think may ginagawa akong tama sa buhay. Kasi I’ve been surrounded by great people,” giit niya.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang tele­seryeng A Soldier’s Heart na pinagbibidahan ni Gerald. Para sa binata ay hindi naging madali sa kanilang buong production ang trabaho ngayon dahil sa ipinatutupad na security and safety protocols. “Nilagay kami sa napakahirap na situation no’ng nag-lock in (taping) kami. Kami ‘yung unang show na nilagay sa gano’ng situation but hindi namin magagawa, hindi ko magagawa ito, hindi ko masu-survive ‘yung unang pandemic ko no’ng 2019 kung hindi rin dahil sa mga tao sa paligid ko at sa mga nakasama ko,” pagtatapos ng aktor.

Ted malaki ang pasasalamat

Kamakailan ay nagpaalam na si Ted Failon sa ABS-CBN. Tumagal ng tatlong dekada sa Kapamilya network ang batikang brodkaster. Noong Biyernes ay pumirma na ng kontrata si Ted sa TV 5 para sa bagong programa sa radyo na kanyang gagawin kasama pa rin si DJ Chacha o Czarina Marie Guevara sa totoong buhay.

Ilang taon ding tinangkilik ng mga tagahanga ang nakaaaliw na balitaktakan nina Ted at DJ Chacha sa DZMM.

Malaki ang pasasalamat ni Manong Ted sa pamunuan ng Kapatid network na nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang isang mamamahayag. “Maraming- maraming salamat po sa pagkakataon na ito. At sa lahat ng aming mga taga-pakinig, mas gaganda ang inyong umaga dahil malapit nang mabago ang tunog ng FM radio,” dagdag ng brodkaster. (Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with