^

PSN Showbiz

Babalik sa ere, Ted hahataw sa FM Radio!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Babalik sa ere, Ted hahataw sa FM Radio!
Ted Failon

MANILA, Philippines — Babalik na sa ere si Ted Failon sa Radyo5 matapos siyang pumirma ng kontrata dito kahapon. Thirty years naging Kapamilya si Ted bago hindi binigyan ng franchise ng Kongreso at bawiin ng NTC ang frequencies ng ABS-CBN network.

Ang Radyo5, 92.3, ang isa sa leading FM news stations sa bansa, under the TV5 media banner.

Tulad sa mga nauna nang naisulat namin, makakasama pa rin niya sa programa sa nilipatang network si DJ Chacha na Baby Girl ang tawag niya na mag-uumpisa na this month.

Nakilala ang tambalan nila sa Failon Ngayon sa DZMM.  “We are excited to deliver a paradigm shift on FM Radio. And we are thankful that Radyo 5 will give us the opportunity to serve the people with this one-of-a- kind format,” pahayag ni Ted sa contract signing.

“Maraming, maraming salamat po sa Radyo 5 sa pagkakataon na ito. At sa lahat ng aming mga tagapakinig, mas gaganda ang inyong umaga dahil malapit nang mabago ang tunog ng FM Radio!,” dagdag niya.

Bukod kay DJ Chacha, bitbit ni Ted sa Radyo5 ang team niya sa Failon Ngayon kung saan ka-format diumano nito ang magiging docu program niya sa TV5.

vuukle comment

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with