^

PSN Showbiz

Just love kids libre sa mga estudyante

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Just love kids libre sa mga estudyante

May bagong morning block ang Kapamilya Channel para libangin ang mga bata na hindi pa nagbabalik ng eskuwelahan bukod pa sa mapapanood din ito anumang oras sa online portal na pinamagatang Just Love Kids.

Bukod dito, meron din silang Star Magic workshops online (na walang bayad) para sa mga batang nagnanais namang ma-develop ang kanilang mga talento habang nasa kanilang mga tahanan.

Simula Biyernes (Setyembre 11) mapapanood na ang mga pumatok na child-friendly Kapamilya program nang libre sa Just Love Kids online portal.

Magsisimula naman ito sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV sa Set­yembre 12 tampok ang Robo Car Poli, Adventures of Tom Sawyer, Pop Babies, at  Team YeY tuwing Sabado simula 6 a.m. at ang Wikaharian, MathDali,  Bayani, at  Hiraya Manawari tuwing Linggo simula 7 a.m.

“Isang one-stop shop platform ang Just Love Kids na naglalayong maghatid sa mga magulang ng multimedia content na may dalang impormas­yon, libangan, at laro para sa mga bata,” ayon kay Red Lasam-Escueta, Kids Digital Content head ng ABS-CBN.

Paliwanag pa niya, makikita ang playlists na may iba’t ibang tema na ang­kop sa pangangailangan ng mga bata ayon sa kanilang edad: kategor­yang preschool para sa mga may edad 2 hanggang 5 taon; primary para sa may edad na 6 hanggang 8 taon; at intermediate para sa may edad 9 hanggang 12.

“Magbibigay din ang Just Love Kids ng printable worksheets at iba pang gawain upang maengganyo ang mga bata sa paggawa kasama ang kanilang mga magulang,” dagdag ni Red.

Kabilang din umano sa mga tampok na palabas sa portal ang mga educational show mula sa Knowledge Channel na nakaangkla sa curriculum ng DepEd at Kapamilya programs na nagtuturo ng kabutihang asal at pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at sa pananampalataya tulad ng Wansapanataym, Starla at 100 Days to Heaven.

Meron din silang ipalalabas muna sa YEY channel tulad ng Team YEY at Pororo, at iWantTFC originals tulad ng Jet and the Pet Rangers.

At sa pamamagitan ng Just Love Kids platform, pwede rin daw silang magrehistro para sa virtual classes sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte hatid ng Star Magic Workshops.

Ang Just Love Kids ang pinakabagong adisyon sa digital ventures ng ABS-CBN matapos ang introduksyon ng Kapamilya Online Live kung saan pwedeng mapanood ang mga luma at bagong programa ng network, ang online kids channel na TuTuBee, at mga digital event ng KTX.ph para maabot ang mas marami pang manonood pagkatapos na ma-deny ng Kongreso ang prangkisa nila noong Hulyo 10.

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with