^

PSN Showbiz

Ama ni John Regala buhay pa, inaming hindi sigurado kung anak nga niya ang aktor

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ama ni John Regala buhay pa, inaming hindi sigurado kung anak nga niya ang aktor
Mel Francisco

Alam mo, Salve A., all these years ang alam ng marami (including this writer) ay `pumanaw’ na ang itinuturong biological father ng may sakit na aktor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Scherrer sa tunay na buhay), ang dating actor na si Mel Francisco, Adolfo Padilla Scherrer in real life. Ito kasi ang `press release’ ni John sa simula pa lamang ng pagpasok niya sa showbiz in mid 80’s.

Sa mata ng publiko, lumabas na `masamang ama’ si Mel dahil sa deklarasyon noon ni John about his biological father.

Kami man ay nagulat nang sabihin sa amin ni Rachelle Siazon ng PEP na buhay umano ang itinuturong ama ni John.  A few days later ay lumabas ang exclusive interview ni Rachelle kay Mel at lalo kaming nagulat sa naging deklarasyon nito na hindi nito kinikilalang anak si John tulad ng pag-disown sa kanya ni John bilang ama.

Ayon sa naging pahayag ni Mel, hindi umano niya naramdaman ang `lukso ng dugo’ nang unang magkaharap sila ni John sa programa noon ng yumaong Queen of Intrigues na si Ate Luds (Inday Badiday or Lourdes Jimenez-Carvajal), ang See True.

Sa nasabing programa ay napilitan umano si Mel na aminin na anak nga niya si John dahil durug-durog na umano siya (Mel) noon sa mga batikos sa kanyang pagkatao dahil umano sa kanyang pagiging `pabayang’ ama kay John at para matigil lamang ay pumayag siya na magharap sila ni John sa programa ni Ate Luds kung saan sila nagyakapan ni John at inamin na siya nga ang ama ni John.

Pero at the back of his mind ay marami umano siyang tanong.

Wala umano siyang alam na nagbuntis ang ina ni John, ang namayapang dating actress na si Ruby Regala. Hindi rin daw niya alam na nagsilang ng sanggol ang aktres at nabigla na lamang daw siya nang pumasok sa showbiz si John at sinabing siya (Mel) umano ang itinurong ama na nagpabaya sa kanyang mag-ina.

Aminado rin si Mel na meron umano siyang 17 children mula sa 12 babae pero mukhang hindi pa kasama rito si John at ang kanyang inang si Ruby. Liban kay John ay kinikilala niyang lahat ang kanyang mga anak.

Dahil `kontrabida’ na si Mel sa paningin noon ng publiko, he quit from showbiz at nagtungo siya ng Amerika kung saan siya namimirmihan ng halos tatlong dekada. Pero nang siya’y nag-retire ay bumalik siya ng Pilipinas at ito’y nakabase ngayon sa Laguna with a new partner.

Kumbaga sa isang teleserye, mukhang mahaba-haba pa Salve A. ang itatakbo ng kuwento ng buhay ni John ngayong lumantad na ang kanyang itinuring na `patay’ na ama sa katauhan ni Mel who is now 76 years old at 55 naman si John.

Sina Mel at Ruby ay nagkatrabaho sa pelikulang Jolo Assignment in 1966. Si Ruby ay contract talent noon ng JE Productions ng dating actor-producer na si Joseph Estrada bago ito naging mayor ng San Juan, naging senador, vice president, presidente ng bansa at mayor ng Maynila.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pangyayari, isa kami sa umaasa na sana’y magkaroon ng magandang ending ang matagal na sigalot sa pagitan ng mag-amang Mel at John.

vuukle comment

JOHN REGALA

MEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with