^

PSN Showbiz

Gabby naghahanda na sa Yaya.. nila ni Marian

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng isang malapit kay Gabby Concepcion, tinanong daw niya ang aktor kung talagang magkakaroon ito ng show sa TV5 kasama ang anak na si KC Concepcion. Sabi raw ni Gabby, wala. “Ang alam ko, nag-ask kay Gabby si _____ (pangalan ng isang producer na close sa aktor) tungkol sa contract niya sa GMA 7,” sabi ng katsikahan ko.

Sabi pa ng kausap ko, kung may show na pinaplano for Gabby para sa TV5 ay hindi naman daw ililihim sa kanya ng aktor.

Balitang magre-resume na rin si Gabby ng taping ng First Yaya series nila ni Marian Rivera, huh!

Jeron nag-effort sa anniversary nila ni Jeanine

Three days ago ay 4th anniversary as sweethearts ng PBA player na si Jeron Teng at ng courtside reporter/model girlfriend niyang si Jeanine Tsoi.

Ang sweet nga ni Jeron dahil may pa-surprise siya kay Jeanine dahil um-order siya ng iba’t ibang dekorasyon at sinet-up niya ‘yon sa may lanai ng kanilang bahay. Siyempre, ikinagulat ‘yon ni Jeanine.

Saan niya kinuha ‘yung mga dekorasyon na ‘yon na parang mga ilaw na kandila at marami pang iba? “Naghanap ako sa online, Tito Jun. Bale in-order ko ‘yon at pina-deliver sa house namin.

“Tamang-tama at pumunta naman siya sa amin that morning.

“So, pagdating ng dinner time, nakita na niya ‘yung sinet-up ko,” sabi ni Jeron.

Siyempre, touched si Jeanine sa ginawang ‘yon ni Jeron.

Ang nakaka-touch pa, may pa-steak dinner si Jeron at siya mismo ang nagluto para sa kanyang girlfriend. “I cooked steak and ‘yung foie gras, pasta and salad, in-order ko lang,” kuwento ng basketbolista.

Wala raw idea si Jeanine sa pa-surprise na ‘yon ni Jeron.

Hindi nga ginawang dahilan ni Jeron ang COVID-19 pandemic para hindi gumawa ng espesyal na bagay para sa 4thanniversary nilang girlfriend.

So touching at kakakilig, Ateng Salve, huh!

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with