^

PSN Showbiz

Talentadong female personality, career na ang pakikisawsaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka kung bakit mahilig makisawsaw sa kung anu-anong isyu ang isang sikat at talentadong female personality.

Nu’ng wala pang pandemya ay tambak naman ang kanyang trabaho hindi lang dito sa atin kundi sa iba-ibang bansa man. Markado na ang kanyang pangalan sa linyang nagpasikat sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Siya ang pinagpipistahan ng mga kasamahan niyang personality. Kasi nga, napakahilig niyang pumagitna sa kung anu-anong issue.

“Para kasing sa laki na ng name niya na hindi lang naman dito sa atin kundi sa halos lahat ng bansa, e, hindi na nababagay sa kanya ang makisali sa mga usaping puwede niya namang dedmahin na lang.

“Konting kibot, naka-post na siya agad ng reaction niya. Mahilig siyang makisawsaw. May masabi lang siya, ganu’n!

“Hindi na bagay para sa kanya ang pakikialam, ang pagsawsaw, ang laki na ng name niya! Bakit pa siya pumapatol sa kahit wala namang kabuluhang issue?” nagtatakang komento ng aming impormante.

Dati nang reaksiyonaryo ang sikat na female personality. Hindi talaga niya inuupuan lang ang mga nagaganap sa mundo, sa iba-ibang personalidad na gusto niyang idepensa, mas lumala lang ang pakikilahok niya ngayon kahit sa maliliit na bagay lang.

Balik-chika ng aming source, “Kahit ano na lang, e, pinapatulan niya! Siguro nga, e, nabuburyong din siya sa buhay ngayon dahil wala siyang trabaho.

“Hindi lang naman kasi tayo ang biktima ng coronavirus, buong mundo, e, ‘yun ang market niya, di ba? Nakakapagtaka kasi na may sobrang panahon siya para makisawsaw ngayon!

“May nag-post lang na ganito at ganyan, e, umaariba na agad ang lola n’yo! Meron siyang stand, kesehodang maraming nagagalit sa kanya, palagi siyang bina-bash!

“Nakakaloka siya, bumababa tuloy ang premium niya bilang personality sa mga pinaggagagawa niya. Palampasin na lang sana niya ang mga wala namang saysay na issue, mamili na lang siya ng pakikisawsawan!

“’Yung small voice niya, e, gamitin niya na lang sa mahahalagang argumento, huwag na sa mga walang kabuluhan, nagsasayang lang siya ng laway!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga tulong ni Willie, sobra-sobra ang balik

Maglalaan ng sapat na panahon si Willie Revillame para sa personal na pamamahagi sa mga asosasyon ng jeepney drivers sa limang milyong donasyon niya.

Makakasama niya ang mga taga-LTFRB at ang kanyang mga abogado sa personal na pagbibigay ng kanyang ayuda sa mga jeepney drivers na dahil sa sobrang pagdarahop sa kawalan ng kinikita ay namamalimos na lang sa kalye.

Kailangang maging maayos ang pamamahagi ng kanyang tulong, kinakausap na niya ngayon ang mga leader ng iba-ibang samahan ng mga jeepney drivers, mahirap na nga namang magkagulo sa pagbibigay ng biyaya.

Nu’ng sabihin ni Willie sa kanyang programang Tutok To Win ang ibibigay niyang limang milyong ayuda ay dinagsa ng mga jeepney drivers ang Wil Tower.

Nagpuntahan du’n ang mga drivers, gusto nang makuha ang pinansiyal na tulong sa kanila ni Willie, ganu’n katindi ang kanilang pangangailangan.

Kuwento ni Willie, “Nag-uusap na ngayon ang mga taga-LTFRB at ang mga lawyers ko. Kailangan kasing maging maayos ang pagbibigay ng ayuda, kailangang magkaroon ang lahat ng mga miyembro ng iba-ibang grupo.

“Sa maliit na paraan, kahit paano, e, mababawasan natin ang matinding pinagdadaanan nila. Masakit makakita ng mga tulad nila na dahil sa kawalan ng kinikita, e, namamalimos na lang sa kalye.

“’Yun ang pinakamatindi, nilunok na nila ang pride nila, para lang kumain ang kanilang mga pamilya. Nakakakunsensiyang gumastos ngayon para sa mga bagay na hindi naman importante.

“Hindi ka magiging masaya dahil alam mong napakaraming kababayan nating talagang naghihirap ngayon,” pananaw ni Willie.

Hindi sa unang limang milyong piso magsisimula at magtatapos ang kanyang ayuda, sa mga susunod na pagkakataon ay maglalaan pa rin siya ng tulong na wala siyang hinihintay na kapalit, mula sa puso ang ginagawang pagtulong ni Willie Revillame sa mga kababayan nating may matinding pinagdadaanan ngayong panahon ng pandemya.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Maraming taong may sobra-sobra sa buhay pero iilan lang ang tulad ni Willie na may pusong mag-share ng mga biyayang tinatanggap niya. Kaya naman ang balik sa kanya, e, sobra-sobra rin, umaapaw.”

vuukle comment

CAREER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with