^

PSN Showbiz

Mag-asawang Christopher at Gladys inatake ng bashers

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang Christopher at Gladys inatake ng bashers
Christopher at Gladys

Mainit at napaka-sensitive na talaga ng mga tao ngayon.

Iba lang ang pagkaintindi sa post ng isa, kaagad na pinuputakti na ng matinding bashing.

Kagaya nung nangyari sa mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes, kinuyog ng bashing si Christopher nang mag-comment siya sa Instagram post ni Carlo Aquino tungkol sa retrenchment ng mga empleyado ng ABS-CBN 2.

Ang comment lang niya : “Broo really??” kaagad nag-react ang ilang followers ni Carlo at tinira na nila nang husto si Christopher.

Sarcastic daw ang tanong na iyun at sinabihan pang walang utang na loob gayung galing din naman daw sila ni Gladys sa ABS-CBN 2.

May nagsabi pang hindi naman sila makikilala kung hindi dahil sa ABS-CBN 2.

Palibhasa raw maka-Duterte ang mag-asawa kaya ganun na lang daw ang reaksyon nito.

At pati ang namayapang manager ni Christopher ay idinamay pa sa panunumbat sa aktor.

Pinagbintangan pa si Christopher na ginamit lang daw ang dating manager na si Tita Angge.

Masyado nang personal ang mga paninira sa aktor kaya hindi na nakapagpigil si Gladys, pinagsasagot na niya ang karamihan sa kanila.

Malumanay naman ang mga sagot ni Christopher, at meron lang siyang hinamon na sabihin iyun sa harapan niya, pero si Gladys ay lumabas ang pagiging palaban para ipagtanggol ang asawa.

Matindi rin ang buwelta niya na sino raw sila para bastusin at basta na lang husgahan ang asawa niya ng ganun ganun na lang.

Dahil lang sa salitang ‘really?’ ay napunta na sa matinding awayan sa social media.

Sabi nga ni Gladys sa isang basher; “Who are you to say that!! Alam mo ba ang ibig sabihin sa ­really?? Kapal mo rin  to talk to my husband like that!”

Maayos namang ipinaliwanag ni Gladys na personal nilang kaibigan si Carlo at nagkakaintindihan sila ni Christopher kung ano man ang komento niya sa post na iyun.

Nung nakaraang Miyerkules pa iyun sa IG account ni Carlo, pero hanggang kahapon ay tuluy-tuloy pa rin ang balitaktakan na palaki nang palaki na ang isyung pinag-usapan.

“Nakakaloka Kuya Gorgs. Ang dami kasi assuming sa social media.

“Close naman sila Chris at Carlo, yung iba sawsaw na agad, nagmamarunong,” text ni Gladys sa akin.

Paolo malaki ang nabawas sa ipon

As of yesterday, number one pa rin sa popular searches ang pelikulang Through Night and Day nina Alesandra de Rossi at Paolo Contis.

Pumangatlo na ang Pangarap Kong Holdap na kung saan kasali rin si Paolo.

Kaya natawa na lang ang aktor nang tinagurian siyang Netflix king ng  manager niyang si Lolit Solis.

“At least king ako somewhere di ba?” natatawang pakli ni Paolo nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

“Masaya ako siyempre kasi sa Netflix ang dami mong kalaban na hindi lang basta mga international. Mga Korean na magaganda. Masaya ako na nakasabay tayo kahit papano,” dagdag niyang pahayag.

Hindi nga akalain nina Paolo at Alex na mag-hit iyun ngayon sa Netflix dahil hindi naman maganda ang performance nito nang ipinalabas sa mga sinehan nung nakaraang taon.

Ang dami ring nagagalingan sa kanya sa pelikulang iyun.

Agree si Paolo sa sinabi ng manager niyang maganda ang chemistry ng samahan nila ni LJ Reyes.

Si LJ  nga at ang anak nilang si Summer ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon at maganda lang daw ang samahan nila sa bahay kasama si Aki.

“Give and take at saka teamwork kami ni LJ eh. So, she brings out the best in me. I hope I bring out the best in her, mukha naman,” pahayag ni Paolo.

“Very calm sa bahay, very relaxed. My Summer pa kami, may Aki pa kami. So, relaxed na relaxed kami. Ikanga, hindi kami pressured to succeed na parang karera ikanga. Kung meron, meron. Basta ang importante okay lang kami sa bahay, walang away, walang pressure,” sabi pa ng Kapuso actor.

Kaya naman mabilis ang sagot ni Paolo na si LJ na nga raw ang babaeng gusto niyang makasama forever, at kapag maayos na itong problema niya sa dating karelasyon, si LJ na raw ang pakakasalan niya.

“Sa ngayon ang plano lang namin ay mabuhay ng 2020 at hindi magkasakit at siyempre, we need to save again.

“Siyempre, matagal ding walang trabaho. So ang savings namin medyo nabawasan. Medyo malaki ‘yung nawala sa amin.

“We have to go back to savings again for the future,” dagdag niyang pahayag.

Bahagi si Paolo sa All-Out Sundays na mapapanood na sa TV tuwing Linggo at malapit na rin daw silang bumalik sa taping ng Bubble Gang.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with