^

PSN Showbiz

ASAP hindi tatanggalin!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
ASAP hindi tatanggalin!
Ogie Alcasid

Dahil nasa The Grove ako kahapon, nakita ko ‘yung Sprinkles cupcake store na favorite ng daughter ni Ogie Alcasid, si Leila.

Kinunan ko ‘yon ng video at pinadala kay Ogie sa pamamagitan ng Viber app.

Nag-reply naman kaagad ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid, “Awww… sarap!”

Sabi ko kay Ogie, naalala ko siya nang makita ko ang cupcake store na ‘yon.

“Miss you, Jun. Take care palagi,” sabi niya.

So, kumusta na siya?

“Ok naman kami, lungkot lang talaga,” sabi niya na ang tinutukoy ay ang hindi pagkaka-approve ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN para sa Channel 2 frequency.

Sabi ni Ogie, nalulungkot sila dahil napakarami ngang nawalan ng trabaho.

Karamihan ng Kapamilya employees ay hanggang sa katapusan na lang ng August na sobrang nagpapalungkot kay Ogie at sa misis na si Regine.

Samantala, tinanong ko si Ogie kung may ASAP Natin ‘To pa rin sa August at “YES!” ang sagot ng singer/songwriter.

Isa ang nabanggit na Sunday musical show sa magpapatuloy at mapapanood pa rin sa Kapamilya Channel,  sa iWant at TFC.tv apps at TFC (The Filipino Channel).

Pops madalas ayudahan ng pagkain ni Helen

Pinost ni Pops Fernandez ang padalang cheese pimiento spread sa kanya ng Ninang Helen niya.

Ang Ninang Helen na ‘yon ay ang misis ni Senator Tito Sotto na si Helen Gamboa.

Actually, Ateng Salve, napakagaling naman kasing magluto ng veteran actress/singer.

Hindi nga ba may cooking show pa siya sa isang cable network (hindi lang ako sure kung on-going pa ‘yon).

Sabi ni Pops nang maka-text ko siya kahapon sa pamamagitan ng Viber app, “Ang sarap! Sobra! Super sweet ni Ninang Helen!”

Palagi nga raw siyang pinadadalhan ng kanyang Ninang Helen na madalas ay cheese pimiento na may matching french bread pa.

Pero hindi lang naman si Pops ang madalas na padalhan ni Tita Helen ng food. Marami rin siyang mga pinadadalhan, lalo na ang mga taga-Eat Bulaga.

Noong madalas na mag-guest doon si Ruffa Gutierrez at nakakasama ako, halos araw-araw na may padalang pagkain si Tita Helen sa Dabarkads.

That time, natikman ko pa ang padala niyang pagkain kay Baeby Baste dahil pinatikim ‘yon sa akin ng nanay ng bata, si Mommy Sheila.

Naku, Ateng Salve, sobrang sarap no’n at sabi nga ni Mommy Sheila, sobrang enjoy raw si Baeby Baste sa mga ipinadadalang pagkain ni Tita Helen, huh!

Kailan kaya tayo mapapadalhan ng mga pagkaing niluluto ni Tita Helen, Ateng Salve?

Hehehe… (Ay maraming beses na akong nakatikim ng luto ni tita Helen teh sa house nila. May pa-buffet pa. Hihihi. Pero throwback story na ‘yun. Hihihi. – Salve)

Probinsyano, tuloy na uli ang taping

Marami ang masaya sa live streaming sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Actually, maraming nakatutok doon tuwing 8:00pm.

Sayang nga lang, Ateng Salve, dahil nang mag-check ako sa YouTube, hindi ko ma-access ‘yon dahil hindi raw available sa US (marahil pati sa iba pang mga bansa dahil may TFC at TFC.tv app nga naman).

May nagtsika nga pala na malapit na ring bumalik uli ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at sigurado raw na hindi magre-reply uli ang series dahil sapat daw ang na-advance nilang episodes bago sila tumigil ng taping.

‘Yun na!

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with