^

PSN Showbiz

Vice naka-recover na sa pagwo-walkout

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice naka-recover na sa pagwo-walkout
Vice

Masigla na si Vice Ganda na bumalik sa It’s Showtime kahapon.

Pagkatapos niyang mag-walk out nung nakaraang Sabado, nagpasalamat siya sa lahat nang nagbigay ng suporta sa kanilang mga Kapamilya.

Binanggit ni Vice Ganda na marami raw nag-text sa kanya at nag-tweet ng halik at yakap nung nakaraang linggo, at pinasalamatan niya ito.

Nag-trending sila sa Twitter kahapon, dahil mukhang itinodo naman ng team nila na palakasin sila online.

May sinayaw silang Kapamilya forever at sinasabi nilang tuluy-tuloy ang pagbibigay ng saya sa madlang pipol.

Sa segment nilang Tawag ng Tanghalan, meron silang tinatawag na musikahon na nagsalita at nagpasalamat sa lahat na mga sumuporta at labing-isang kongresista na bumoto sa renewal ng franchise ng ABS-CBN 2.   

Tinawag nilang ‘loving isa’ ang 11 kongresistang pumayag na magka-franchise ang Kapamilya network.             

Weekly program ng isang network, muntik na ring maudlot dahil sa COVID

Magsisimula na ngayong linggo ang taping ng bagong teleserye ng Kapamilya Channel na Walang Hanggang Paalam.

Ito ‘yung dating Burado na ina­trasan nina Nadine Lustre at Julia Montes, dahil sa bagong set-up na mala-lock in sa isang set ng ilang linggo.

Ang pagkakaalam ko, kahapon nagpa-rapid test na sila at pagkagaling dun, deretso na sila sa Zambales na kung saan doon sila ma-lock in ng taping.

Pinalitan na nga nina Angelica Panganiban at Arci Muñoz sina Nadine and Julia.

Tuloy pa rin ang pagpo-produce ng mga programa ng Kapamilya network sa kabila ng pinagdaanan nila sa franchise.

Napapanood pa rin naman sila sa Sky Cable at sa iWant TV.

Samantala, hinihintay na rin ang pagsisimula ng mga drama series ng GMA 7.

Wala pang nakumpirmang magsisimula dahil inuunti-unti lang muna at talagang maingat lang daw ang mga bossing ng Kapuso network.

Nagsimula na nung Linggo ang All-Out Sundays at maganda ang kinalabasan.

Sa darating na Sabado ay magsisimula na rin ang Sarap Di Ba ni Carmina Villaroel kasama ang kambal nila ni Zoren na sina Mavy at Cassy. Si  Zoren na rin ang nagdidirek dahil sa bahay lang muna sila nagsu-shoot.

Ngayong linggo na rin magsisimulang mag-tape ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes.

 Ang latest na nabalitaan namin, gustong-gusto na raw ni Nora Aunor na mag-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit kaya inaayos na nila ang script, naghahanap na rin sila ng isang location na doon na sila lahat magti-tape.

Kapag na-okay na raw ang script, at naayos na ang location at ibang guidelines, baka mid of August na raw sila magsimulang mag-tape.

Pero karamihan sa drama series ay baka October pa raw talaga magsimula.

Samantala, wala raw pay cut sa talent fee ng Kapuso artists.

Iyun daw kasi ang napirmahang kontrata kaya walang babawasan sa kanilang talent fee.

Baka sa mga bagong programa raw na sisimulan, doon na magbabawas ng talent fee dahil gagawan pa lang ng kontrata.

May nabalitaan din kaming isang  weekly program na nagsimula na rin ng taping na muntik na raw naudlot. Bago raw sila nagsimula ay may nalaman silang isang crew na nag-positive sa COVID-19, kaya kaagad-agad ay pinalitan ito.

Natuloy naman ang taping at sobrang maingat sila sa set.

Pero sa totoo lang, kahit anong ingat mo kung hindi naman nag-iingat ang ilang katrabaho, puwede ka talagang mahawa.

 

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with