^

PSN Showbiz

Martin devastated pa, wala pa sa wisyong mag-online show

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Martin devastated pa, wala pa sa wisyong mag-online show
Martin
STAR/ File

Hindi itinuloy ni Martin Nievera noong Saturday ang kanyang online show na Martin In The House.

Dapat ay magbabalik na sila ng twin-sister niyang si Vicki Nievera sa pagbibigay-aliw sa kanilang online viewers.

Nang maka-text ko si Martin noong Saturday night ay sinabi niyang, “Hindi ko kaya after the devastating news.”

Ang devastating news na tinutukoy ng Concert King ay ang hindi pagkaka-renew ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN para sa Channel 2 frequency.

Isa si Martin sa labis na nasaktan sa pangyayaring ‘yon kaya nag-post pa siya sa kanyang social media accounts ng heart emoji ng colors ng ABS-CBN at sinabing, “I really thought we would get a strict scolding and pay some fines. But I never thought for one second that almost everyone but 11 people in that room so easily ruined the lives of thousands . Just like that . No wonder they were rushing out of the room. I am sorry my kapamilya. My heart breaks and bleeds for you. And to the 70? Better I don’t say what I really feel.”

Hindi na muna mag-o-online show sa ngayon si Martin.

Zsa Zsa nag-panic at nag-iiyak nang magpa- MRI

Noong Friday ay may nagkuwento sa akin na bukod sa pumunta si Zsa Zsa Padilla sa Heritage Memorial Park para dalawin ang puntod ng yumaong long-time partner na si Dolphy (SLN), magpapa-MRI (Magnetic Resonance Imaging) scanning daw sa isang hospital ang singer/actress.

Nag-DM (direct message) nga ako kay Zsa Zsa sa Twitter para kumustahin siya.
Nagpunta nga raw siya sa Heritage Memorial Park para gunitain ang 8th death anniversary ni Mang Dolphy after niyang manggaling ng hospital.

“Yes, I went to Heritage (Memorial Park) after my failed MRI test.

“Agh, na-trauma ako (sa MRI scanning). First time ko, akala ko wala akong claustrophobia (extreme or irrational fear of confined places), pero when I went inside the machine I started to panic and I cried!

“Grabe!

“Alam mo naman nakailang major surgeries na ako and matapang ako sa ope­rasyon. Hindi ko akalain na hindi ko kaya mag-MRI.

“Bilib ako sa lahat na kinaya itong test na ito!” sabi ni Zsa Zsa.

Hindi ko na inusisa pa si Zsa Zsa kung bakit siya nagpa-schedule ng MRI scanning dahil nagsabi na nga siya na na-trauma siya.

Anyway, may isang showbiz personality rin na nagpa-MRI scanning kamakailan ang nakausap ko.

Naikuwento ko sa taong ‘yon ang tungkol sa experience ni Zsa Zsa.

Sabi niya, “Sobrang takot ko rin. Kaya pumikit talaga ako. Hindi ko binuksan ang eyes ko habang hindi natatapos para hindi ako matakot.

“Ang tagal din. Noon kasi, takot din ako, pero kinaya ko na lang kasi kailangan ko talagang ma-check!”

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with