^

PSN Showbiz

Yam napatawag ng mayora kay Ruffa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Yam napatawag ng mayora kay Ruffa
Ruffa

Kahit ipinatigil ng NTC (National Telecommunications Commission) ang ABS-CBN TV Plus at ang Sky Direct, patuloy pa rin namang mapapanood ang Kapamilya Channel sa satellite at ibang cable providers, pati na rin sa iWant app at sa TFC o The Filipino Channel (para sa mga Pinoy abroad na subscribers ng nasabing international cable channel ng Kapamilya network).

So, tuloy-tuloy pa rin ang shows ng ABS-CBN na nagbalik nga sa Kapamilya Channel.

Kahapon ang 4th taping day ng Love Thy Woman at sa chat namin ni Ruffa Gutierrez sa pamamagitan ng WhatsApp ay sinabi niyang hindi matitigil ang taping nila. Bale two units nga raw sila kahapon.

Oo nga pala, dahil magkakasamang naka-lock-in ang cast ng Love Thy Woman (na napapanood pagkatapos ng It’s Showtime) ay mas lalo pa silang naging close.

Actually, kapag may nagpapadala nga ng food kay Ruffa, sine-share niya ‘yon sa kanyang co-stars.

Si Yam Concepcion, pabirong tinawag na “Mayora” si Ruffa dahil sa pagse-share ng mga “ayudang” pagkain.

Si Kim Chiu naman ay sinabing paano na ang diet niya dahil sa mga pagkaing ibinibigay ni Ruffa.

Sabi nga pala ni Ruffa, happy set ang Love Thy Woman taping nila dahil para silang magkakapamilya talaga!

‘Yun na nga ang new normal talaga sa taping dahil sa COVID-19 pandemic, kaya they’re loving it daw!

Martin binigyan ng tribute si Mang Ramon

Naku, Ateng Salve, nagulat talaga ako nang nag-message sa akin si Martin Nievera kahapon ng madaling araw.

“Jun?” ang tanging message ng Concert King sa aking Viber app.

Akala ko tuloy ay may nakarating na kung anong balita kay Martin tungkol sa akin kaya nagwo-worry siya, but it turned out na gusto pala niyang alamin ko mula kay Senator Bong Revilla kung ano ang favorite songs at favorite singers ng yumaong si Ramon Revilla Sr.

Gusto kasing bigyan ni Martin ng tribute si Mang Ramon sa kanyang Martin in the House online show sa kanyang official Facebook page.

Eh, hindi ko naman makontak si Bong, pati sina Andeng Ynares at Princess Revilla, kaya si Manay Lolit Solis na lang ang tinawagan ko.

Kokontakin daw ni Manay Lolit si Bong, pero si Andeng ang unang natanong niya, kaya nakapagbigay siya ng mga kantang favorite ni Mang Ramon.

Nasa senado pala si Bong at ang kanyang pamilya dahil may necrological service doon in honor of Mang Ramon na naging senador noong araw.

For sure kagabi ay nakapag-tribute na si Martin at ang twin-sister niyang si Vicki Nievera para sa yumaong veteran actor/politician.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with