^

PSN Showbiz

Female personality, mabilis ‘naghugas’ ng kamay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malayuang pinagpistahan ng isang grupo ang isang pamosong female personality na sobra-sobra raw ang pagsuporta sa pinaiiral na protocol ng DOH ang paghuhugas ng mga kamay.

Pero hindi literal na paghuhugas ng mga kamay para hindi tayo mahawa at makapanghawa ng coronavirus ang kanilang pinagkuwentuhan, kundi ang mabilis na paghuhugas-kamay ng female personality sa kanyang post, na may kuwento pala kung bakit nito binawi.

Kuwento ng source, “Kasi naman, padaskul-daskol mag-comment! Kung makapag-post, e, parang wala nang bukas, may pamura-mura pa!

“Ano ang nangyari? Apektado ang career niya! Maraming opportunities na lumipad, dahil sa ginawa niya! Napakahalaga pa naman ng image ng perso­nality sa pag-eendorso ng mga produkto!

“May ahensiya bang kukuha sa endorser na bina-bash nang milya-milya? May kukuha pa ba sa isang artistang hindi muna nag-iisip bago i-click ang gadget niya?

“So, ano ang pinakamagandang escape du’n, di ba, ang pagsunod sa protocol ng DOH na paghuhugas-kamay? Wala siyang choice kundi ang bawiin ang mga pinagsasabi niya, or else!” maigsing blind item ng aming impormante.

Ubos!

Korte matindi ang pagsunod sa DOH

Saksi kami sa matinding pagsunod ng mga korte sa Pilipinas sa ipinapayo ng DOH at ng ating pamahalaan para sa ating kaligtasan sa COVID-19.

Sa gitna ng pandemya ay personal kaming nagsadya sa korte nu’ng Huwebes nang umaga, promulgasyon ng kasong libelong isinampa laban sa amin ni Cristina Decena nu’ng 2015 pa, kasama ang anak-anakan naming si Ryan Sision na publisher ng BULGAR at patnugot naming si Janice Navida.

Ipinanalo namin ang kaso, pinawalang-sala kaming tatlo, napakasarap sa pandinig ng terminong acquitted habang binabasa ng clerk of court ang paghusga sa asunto.

Binago nang isandaang porsiyento ng pandemya ang proseso ng korte. Hindi puwedeng basta ka pumasok sa court room, kukunan ka muna ng temperature sa lobby pa lang ng Hall Of Justice, saka papipirmahin sa isang pahinang dokumento tungkol sa iyong pagkakakilanlan.

Maghihintay ka muna nang ilang oras sa labas ng gusali, kapag dumating na ang empleyado ng korte ay saka ka pa lang aakyat, limitado ang puwedeng sumakay sa elevator na markado ng magkaekis na tape.

Bago ka pumasok sa court room ay tatapak ka muna sa foot box, mag-aalkohol, at kailangang armado ka ng face mask o face shield.

May harang na ang court room, naka-plastic shield divider na, nasa loob ang judge at ang mga empleyado at nasa kabilang lugar naman ang mga nagdedemanda at inaasunto.

May microphone na ang judge, pati ang clerk of court, para magkarinigan ang mga tao sa loob ng court room. Ganu’n katindi ang pagsunod nila sa protocol, hindi puwedeng nasa loob ng korte ang mga may hearing, isa-isang kaso lang ang dinidinig para sa physical distancing.

Napakalaki ng pagbabago, mahirap, pero kung para naman sa ating kaligtasan sa salot ang dahilan ay kailangan nating tanggapin-yakapin ang kasaluku­yang senaryo.

Angel mas priority ang kawanggawa kesa magpapayat!

Kaisa namin ang aming mga kaibigan sa pagdedepensa kay Angel Locsin sa pagbira sa aktres ng mga bashers at trolls sa kanyang timbang na nadagdagan.

Nakakalungkot lang na ginagawang malaking isyu at kapintasan kay Angel ang kanyang katawan ngayon. Panglabas na anyo lang ang kanilang nakikita, hindi nila pinahahalagahan ang kagandahan ng puso ng aktres na hindi na kailangan pang katukin sa pagtulong sa mga kababayan nating nagdarahop, hindi parehas ang laban.

Aanhin naman natin ang seksing katawan na wala namang pakinabang? Papalakpakan natin ang isang taong hindi na kailangan pang kalampagin para lang magbigay ng ayuda, ‘yun si Angel Locsin, na tinatalo pa ang mga nakaupong pulitiko ngayon sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Isang bukas na reyalisasyon para sa atin na hindi ang kurbada ng kanyang katawan ang prayoridad ni Angel, mas mahalaga para sa kanya ang kung anong mabuting bagay ang maihahandog niya sa ating mga kababayang walang pagkukunan, at sa sukatan ng Diyos at ng tao ay ‘yun ang pinakaimportante.

Bakit ba kasi masyadong ginagawang problema ng ibang mata ang pagdadagdag ng timbang ni Angel Locsin? Kung siya nga mismo ay hindi namomroblema sa kanyang katawan ay sino naman tayo para humusga?

Puso ang kailangan nating tinitingnan. Ang kabutihan ng kalooban ang dapat nating sinusukat at hindi ang vital statistics ng tao.

 

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with