^

PSN Showbiz

BB, si Carmina pa rin ang gusto pag naging lalaki uli

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang pag-amin ni Sofia Andres na may cute baby girl na siya ang bumulaga sa Father’s Day celebration nung nakaraang Linggo.

Kaya ang daming nagtatanong kung kailan naman kaya aamin at ilalabas ang baby kung totoong nagka-baby na rin ang isa pang Kapamilya star.

Si Julia Montes nga kaya ang tinutukoy nila?

Sa pagkakaalam ko, deactivated pa rin ang Instagram account ni Coco Martin, kaya curious din kami kung may bumati rin ba sa kanya ng Happy Father’s Day.

Nagnakaw din ng eksena si BB Gandanghari na kung saan idinetalye niya ang  kuwento nina Carmina Villaroel at Rustom Padilla na nauwi sa magandang pagkakaibigan ang kanilang pag-aayos.      

Sinabi niyang maayos silang nagkausap, hanggang sa na-approve ang annulment at nung nagkakausap sila inamin nilang gusto nilang i-hug ang isa’t isa. Pero okay na raw iyun. Ngunit sinabi pa ni BB, na kung babalikan niya ang araw na iyun, sana niyakap na lang daw niya talaga si Carmina.

At sinabi pa niyang kung bumalik ang pagkatao ni Rustom Padilla, baka si Carmina pa rin daw ang babaeng mamahalin niya.

Samantala, nakaw-eksena rin sa social media ang post ni Marian Rivera na binati ang kanyang ama na isang Espanyol at naninirahan sa Madrid.

Nabanggit din sa amin ni Sen. Bong Revilla na talagang nakiusap daw ang Daddy nila na lumabas na ng hospital. Gusto raw niyang makasama ang mga anak niya at mga apo sa kanyang tahanan sa Father’s Day.

Iyun ang inaayos nung Linggo nina Sen. Bong na kung puwedeng lumabas na ng hospital ang Daddy nila. Hindi ko lang alam kung pumayag na ang doktor. Pero nagpapasalamat silang magkakapatid na kasama pa rin nila ang kanilang Daddy sa espesyal na araw na iyun.

Matteo nagpaka-bratty sa unboxing ng PS4?!

Ang isa ring inaabangang pasok sana sa Father’s Day ay si Matteo Guidicelli. Pero sinabi niya sa zoom party kasama ang ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer na hindi pa raw siya magiging daddy. Tiyak na ibabalita naman daw niya kung sakaling makabuo na sila ni Sarah Geronimo. 

Pinag-usapan din si Matteo nung nakaraang Linggo sa kanyang Unboxing video na inilabas niya sa kanyang You Tube channel nung nakaraang June 2 pa, pero ngayon lang ito napansin dahil ang daming nag-react kung paano niya i-handle ang unboxing ng Playstation na ibinigay sa kanya.

Sa mahigit 4 minutes na video na iyun, nakita kung paano magbukas ng box si Matteo na sinabi naman niyang hindi siya marunong mag-unbox.

Nairita ang mga netizen kung paano niya ito na-handle kasi parang hindi man lang daw binigyan ng importansya ang nagbigay sa kanya ng PS4. Nasira pa ang box nito na kung saan nandun ang warranty ng naturang gadget.

As of yesterday, mahigit 28 thousand thumbs down ito at mahigit 3 thousand lang ang thumbs up.

Dinagsa ito ng mga negatibong komento na lumalabas daw ang pag-brat nito na hindi man lang daw maayos ang pagkabukas ng box.

Nag-trending pa ito sa Twitter dahil sa dami ng mga negative comments laban sa kanya.

Ang nakakaloka pa, pati ang pagsasama nina Matteo at Sarah ay pinuna pa na parang nakikita raw nilang inaapi-api ni Matteo si Sarah habang nagluluto sa kusina. Ganun ka-colorful ang imagination ng mga taong ito dahil lang sa irita nila kay Matteo.

Meron ding nag-comment na tila tama raw ang pagkontra ni Mommy Divine sa relasyon ng mag-asawa.

Tawang-tawa na kami dun na nakisimpatiya na sila kay Mommy Divine dahil lang sa unboxing ni Matteo sa PS4.

Napakadali nilang maghusga!

Anyway, sabi naman ni Noel, nung naka-zoom nila ang mag-asawang Matteo at Sarah, nakikita nilang masaya ang dalawa at hindi na lang nila pinapansin ang mga ganung kanegahan.  

GMA hindi pa alam kung kailan magti-taping

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin masagot ang tanong ng karamihan  kung kailan na ba babalik sa trabaho ang mga Kapuso stars. Ang narinig namin, malalaman ngayong linggo kung aaprubahan na ang pagre-resume ng taping ng ilang programa.

Pero ang posibleng unang magbabalik daw ay iyung ginagawa sa studio. Sana makabalik na raw sa Linggo ng tanghali ang All-Out Sundays kahit i-tape lang ito at walang audience sa studio.

Inaabangan din ang The Boobay and Tekla Show, at iba pang programang ginagawa sa studio.

Mukhang malabo pa raw talaga ang mga drama series dahil mahirap pa at malaking responsibidad ito sa dami ng mga taong involved. Isa na nga rito ang Love of My Life na gustung-gusto na ng mga netizens na bumalik pero mahirap pa raw talaga.

Kaya ang pinagkaabalahan ng ilang mga stars nito ay ang kanilang You Tube Channel. Isa na nga rito si Mikael Daez na nagi-enjoy sa YT channel nila ni Megan Young.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with