^

PSN Showbiz

Beauty, itinurong si Ellen ang dahilan kaya nakapangasawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Beauty, itinurong si Ellen ang dahilan kaya nakapangasawa

Hindi naging madali para kay Beauty Gonzalez upang makilala bilang isang magaling na aktres sa teleserye. Ginagawa lamang umano ni Beauty ang lahat ng kanyang makakaya sa bawat proyekto kaya narating ang kanyang estado ngayon. “I just really work hard in everything I do. I give my best 100 percent. Ibibigay ko talaga kung ano ang ibinigay sa akin na role and kung paano ko gagawin ‘yung role. Siyempre ‘pag pinili ka, ibigay mo na lahat. Siguro dahil ibinigay ko lahat kaya naabot ko ito kung nasaan ako ngayon,” pagbabahagi ni Beauty.

Para sa aktres ay malaki ang iniangat ng kanyang showbiz career mula nang magkaroon ng asawa at anak. Ayon kay Beauty ay pinalad siya nang magkaroon ng sariling pamilya. “May konting swerte in the process of being where I am right now. Malaking bagay rin ‘yung pagiging totoo. Kasi kung di ka totoo sa sarili mo, then you were not happy. Isa lang naman ang goal ko eh, I wanna be happy. That’s my dream. I wanna be happy and I want people around me to be happy,” paglalahad niya.

Samantala, isa si Ellen Adarna sa mga matalik na kaibigan ni Beauty. Ang dating sexy actress umano ang naging tulay kaya nagkakilala si Beauty at ang asawang si Norman Crisologo. “Bisaya kami so madali kaming nagkasundo. Ellen was the reason why I met Norman. So lalong lumalim ang friendship namin kasi nakita ako sa isang magazine ni Norman tapos hinanap niya ako. Tapos sabi ni Ellen, ‘Uy! Kasama ko ‘yan sa Moon of Desire,’ na pinagsamahan namin ni Ellen sa ABS-CBN. Tapos ayun, siya ang naging Cupid naming dalawa. Si Norman ‘yung nag-bridge sa kanila ni John Lloyd,” kwento ng aktres.

Joseph, nadalian sa ginawang Asian series sa Malaysia

Napabilang si Joseph Marco sa pangalawang season ng The Bridge na napapanood na sa HBO sa buong Asya, HBO Go at Viu. Nagulat umano ang aktor sa pagkakapili sa kanya para sa naturang Asian series. “Actually there was no audition. ABS-CBN directly told me that I’d been chosen to play a role for the second season of The Bridge and the shoot will be in Malaysia. So I did a little research and I watched the trailer and I was stoked because I’m such a fan of psychological thrillers,” bungad ni Joseph.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ang aktor na makatrabaho ang isang international production team. Aminado si Joseph na talagang nakaramdam siya ng pagkailang sa naging taping nila sa Malaysia. “I was very anxious, I was very intimidated. But when we got there, everybody just welcomed me and I felt right away that I’m part of the family, especially Rebecca (Lim). Most of my scenes were with her. Sobrang pinadali niya ‘yung mga scenes for me because she helped me a lot and she was really there supporting me. So it gave me so much confidence. I was able to talk to cast sa dressing room. In real life sobrang kulit nila, sobrang asaran,” kwento ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

JOSEPH MARCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with