^

PSN Showbiz

‘Sana wala nang humadlang sa pagsasama-sama natin’ - Vice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
�Sana wala nang humadlang sa pagsasama-sama natin� - Vice
Vice Ganda

Masayang-masaya si Vice Ganda dahil muling nakapagsimula ang It’s Showtime sa telebisyon noong Sabado sa pamamagitan ng Kapamilya Channel ng ABS-CBN.

Ilang buwan ding hindi nakapagtanghal ang mga host sa loob ng studio dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa buong Luzon. Pansamantala ring napatigil ang It’s Showtime dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Kapamilya network dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito.

“We are so back. Ang sarap sa pakiramdam, na-miss ko ang studio, na-miss ko kayong lahat, na-miss ko ang Showtime. Na-miss po namin ang entabladong ito, na-miss po namin ang isa’t isa at higit sa lahat, miss na miss po namin kayong lahat, masayang-masa­yang tayo. This is a very emotional moment.

Ang saya, salamat po kasi alam ko na inantay n’yo rin kami kaya maraming-maraming salamat. Magkakasama na tayo ulit,” bungad ni Vice.

Umaasa ang Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar na magtutuloy-tuloy na ang pagbibigay ng kasiyahan ng It’s Showtime sa mga manonood. “Sana magdire-diretso itong pagsasama-sama natin, sana walang humadlang. Sana maging maayos kasi para masaya tayo,” giit niya.

Patuloy pa ring kinakaharap ng bansa ang krisis na dulot ng covid-19 pandemic. Malaking bagay umano para kay Vice na mapagaan ang kalooban ng mga mamamayang nalulungkot dahil sa banta ng pandemya. “Ang pagbabalik po namin ay masasabi kong hindi ito solusyon sa covid, sa pandemya, hindi naman ito magbibigay gamot sa mga nagkaroon ng sakit.

Pero maaari po kaming magbigay ng gamot sa ilang mga karamdaman na dulot nitong covid-19, tulad ng kalungkutan ninyo, kabagutan ninyo, ng takot na nararamdaman ninyo ngayon. Pipilitin po naming mabura ‘yan sa pamamagitan ng paglalagay ng konting ngiti sa mga mukha ninyo. Kaya hayaan n’yo kaming tumuloy sa mga bahay ninyo, dahil miss na miss namin kayo at mahal na mahal namin kayo,” paglalahad ni Vice.

Goma, nagbalik-tanaw sa palibhasa lalake

Kamakailan ay nagbalik-tanaw si Richard Gomez tungkol sa Palibhasa Lalake na kanilang programa noon nina Joey Marquez, John Estrada, Amy Perez, Gloria Romero at marami pang iba. Nagsimula ito noong 1987 at tumagal ng mahigit isang dekada sa ere. “’Yung hindi makakalimutan ay napakarami. Number one, the memories of working with people. Magkasama for eleven years, every week magkasama. We became good friends, we became family.

The success of Palibhasa Lalake ay dahil magkakaibigan talaga. Kaya very natural ang lines, batuhan ng lines, saluhan ‘yung mga gano’n. ‘Yon ang element na aside from the script at saka production, yon ang importante sa isang comedy show,” pagdedetalye ni Richard.

Ngayon ay marami umanong nagpapadala ng mensahe sa actor-politician na mga nakakapanood ng replay episodes ng naturang sitcom sa Jeepney TV. “Natutuwa sila na napapanood nila ang reruns ng Palibhasa Lalake. Sabi nila, ‘Nakakatuwa naman ‘yung time na gumagawa kayo ng comedy.’ Sabi ko masaya talaga no’ng mga time na ‘yon, hindi restricted ang mga ginagawang comedy at saka ‘yung script ay free flowing,” kwento niya.

Samantala, kahit abala si Richard sa pagiging Mayor ng Ormoc City ay sinisikap naman nitong magkaroon ng oras sa sarili at sa pamilya. Madalas ring nakapagluluto ang aktor ng iba’t ibang putahe na kanya ring ipinapalabas sa sari­ling YouTube channel na Goma At Home. “Kapag weekends ‘yon ang ginagawa namin dito, usually free time.

Kapag office ng government, kapag Mayor, 24/7, siyempre may time din naman ako for myself and my family. So ‘yun ang ginagawa ko, nagluluto ako ng lunch. Mga practical (recipes) lang mga niluluto ko,” pagbabahagi ng actor-politician. (Reports from JCC)

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with