^

PSN Showbiz

Birthday ni Ryzza, naalala sa Araw ng Kalayaan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Birthday ni Ryzza, naalala sa Araw ng Kalayaan
Ryzza
STAR/ File

Tinedyer na ang 2012 Little Miss Philippines winner-turned TV host-actress-vlogger na si Ryzza Mae Dizon.  She turned 15 noong nakaraang Biyernes, June 12, Independence Day.

Hinding-hindi makakalimutan ang kaarawan ng isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga dahil ito’y pumatak mismo sa Independence Day na sini-celebrate sa buong bansa maging ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang bansa.

Pitong taong gulang si Ryzza Mae nang siya’y mag-audition para sa seasonal segment ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga nu’ng 2012 at suwerte naman dahil siya ang tinanghal na Little Miss Philippines ng taong `yon.  `Yun na rin bale ang naging simula ng pagbabago ng buhay ni Ryzza Mae maging ng kanyang pamilya.

In her eight years in showbiz, marami na rin ang na-achieve at narating  ni Ryzza Mae na kanyang sinimulan bilang childstar.

Halos 30 o mahigit pa na iba’t ibang awards at pagkilala ang natanggap na niya mula sa iba’t ibang award giving bodies para sa iba’t ibang kategorya bilang child star.

Nananatili pa rin ang dating childstar bilang isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga since 2012 hanggang ngayon.  Sa programa rin halos lumaki ang da­ting si `Aling Maliit.’

Nagpapasalamat din si Ryzza sa kanyang Eat Bulaga family dahil hindi siya pinababayaan ng mga ito simula nang siya’y maging kabahagi ng prog­rama.

vuukle comment

RYZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with