^

PSN Showbiz

Anniversary ng KathNiel kakaiba ang selebrasyon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakabilib ang KathNiel fans na ginawang maka­buluhan ang celebration ng 8th anniversary ng love­team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nung May 26 ay namigay sila ng food packs sa Maynila para sa mga street dweller na lalo pa yatang dumarami ngayong panahon ng pandemya.

Nag-post sa Twitter account ng Manila Public Information Office; “Look: The KathNiel Fandom and Mr. Alvin Mendoza have donated 400 food packs to the Manila Department of Social Welfare (MDSW).

“The donation is intended for street dwellers sheltered by the MDSW at the Fugoso Sports Complex.”

At least may maganda silang nagawa kahit limitado ang mga gagawin nilang selebrasyon dahil sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Maaga ring sinilebrayt ng magkasintahang Daniel at Kathryn ang kanilang anibersaryo, dahil nu’ng nakaraang Linggo pa, May 24 ay dumalaw si Daniel kay Kathryn para dalhan siya ng pagkain.

Ipinost ito ng batang superstar sa kanyang Instagram account na nagpasalamat sa ipinadalang food ayuda sa kanya ni Daniel. Dito naman daw ang bonding nilang dalawa kapag magkasama, ang magluto nang magluto, kasama ni Kathryn ang pamangkin niyang close kay Daniel.

Kahit pinagtatalunan pa sa Kongreso ang franchise ng ABS-CBN 2, umaasa na ang mga KathNiel fans na gagawin na nila ang teleseryeng pagsasamahan nila at pelikula sa Star Cinema.

Sa totoo lang, kahit wala pang kasiguraduhan ang kapalaran ng ABS sa kanilang bagong franchise, naghahanda na rin ang ibang team sa teleseryeng sisimulan nila. May iba na kaming nababalitaan, pero wala itong sa KathNiel.

Samantala, sinilebrayt na rin pala ang third anniversary ng KathNails ni Kathryn nung nakaraang linggo pero nakasara pa sila dahil sa naka-quarantine pa rin tayo.

Next week ay nasa General Community Quarantine na at maraming mga tindahan ang magbubukas sa mall, pero wala pang katiyakan kung magbubukas na ang KathNails na may walong branches sa Metro Manila.      

May ilang parlor na kasi at nail spa ang magbubukas na depende sa approval ng DTI.

Alam ko, magbubukas na next week ang shop ni Bambbi Fuentes sa Timog, Quezon City. 

Mark gusto nang mag-ipon

Pagluluto rin ang bonding ng magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa na magkasama ngayong naka-quarantine.

Thankful si Mark sa Mommy ni Nicole dahil tinanggap siya sa kanilang tahanan para doon muna mag-stay habang naka-quarantine.    

Ilang kasambahay at pinsan na lang ang kasama ni Mark sa bahay niya, at kung nung naka-ECQ tayo tiyak na mag-aalala lang daw siya sa kalagayan nina Nicole kaya mabuti na raw na magkasama sila.

Natutuwa siya at na-appreciate naman daw ni Nicole at ng Mommy niya ang mga luto ni Mark dahil talagang kinakarir niya ang pagluluto.

Kaya tumulong si Mark  nung birthday ni Nicole nung May 27 para mamigay ng pagkain sa frontliners at ito raw ang birthday celebration ni Nicole na na-enjoy niya nang husto.

Ang Project 26 for Proj. 6 ay pa-raan niya ng pagpapasalamat sa mga dakilang taong iniaalay ang kanilang kaligtasan upang maprotektahan ang komunidad.

Sabi ni Nicole sa kanyang Instagram account; “For my 26th birthday, I’ve decided to ipon money, go back-and-forth to the groceries and buy breakfast for the frontliners of Barangay Project 6. And siyempre ako ‘yung nagluto! I never thought that doing chores, groceries, and cooking all on your own for others would bring a different kind of happiness, that warm fuzzy feeling in your heart.”

Nagbigay din si Mark ng video greeting kay Nicole at umaasa ang Kapuso actor na sana makabalik na sila sa trabaho para makapag-ipon pa sila.

Balak kasi ni Mark na sa Amerika sila mag-Pasko ni Nicole para makilala na niya ang kanyang ama na naka-base roon.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with