^

PSN Showbiz

Daniel magkukuwento sa extend the love, guidelines sa new normal sa showbiz nagkakagulo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Daniel magkukuwento sa extend the love, guidelines sa new normal sa showbiz nagkakagulo
Daniel
STAR/ File

Si Daniel Padilla naman ang magkukuwento ng kanyang mga karanasan bilang isang box office superstar sa special edition ng Actors Cue sa #ExtendTheLove initiative na magaganap bukas, May 22, Friday, live 7:00 PM at fb.me/ExtendTheLove.

Babalikan ni Daniel ang mga naging experience niya tungkol sa mga ginawa niyang pelikula at ang kanyang passion as an actor to be moderated by filmmaker Adolfo Alix Jr.

Ang #ExtendTheLove is an initiative to help displaced film workers that are affected by the lockdown dahil sa pandemic.

It started by screening films online and then through live sessions related to film.

Ang Actors’ Cue ay isang online session where actors talk about their work and passion. Already in its 10th session, previous sessions featured acclaimed actors and actresses including Cannes Best Actress Jaclyn Jose and one with Asian actors with Piolo Pascual.

Ini-encourage ang mga manonood na mag-donate sa #ExtendTheLove by sharing any amount through:

BDO

Account Name: Robert John Liboon

Account Number: 008750028001

BPI

Account Name: Alfredo Villar

Account Number: 2570008156

Actually, hanggang reminiscing muna talaga ang mga artista sa kasalukuyan dahil nga wala pa namang production ang handa nang mag-shooting uli.

Tapos nagkakagulo pa ngayon sa guidelines na ipatutupad sa pag-uumpisa ng new normal sa shootings and tapings.

Naunang naglabas ng guidelines ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chaired by Liza Dino. Pero naglabas din ng version ang Inter-Guild Alliance Protocols.

At nagko-kontrahan ang naturang guidelines.

Hindi nagtugma at obvious na hindi sila nag-usap-usap para sa guidelines na susundin.

Hindi na nga nila alam kung paano makakabangon ang movie industry dahil bago pa man nag-lockdown ay iilang pelikula na lang ang totoong kumikita, nagkakagulo pa sila ngayon sa guidelines.

Naturally, naguguluhan ang iba. Ano ba ang susundin nila, ang FDCP o ang IGA?

Kasalukuyan pang sarado ang mga sinehan at wala pang linaw kung kailan ito magbubukas.

Oscars baka hindi na rin ituloy

May chance ding i-postpone ang 93rd Oscars ayon sa report ng variety.com.

Magaganap sana ito sa February 28, 2021 na mapapanood sa ABC.

Pero ayon sa sources ng variety, though hindi pa naman daw malinaw ang lahat at wala pang binibigay na ibang petsa para rito.

Nauna nang sinasabi ng organizer ng Oscars na eligible na makasali ang mga pelikulang napanood digitally at hindi nagkaroon ng pitong araw na pagpapalabas sa mga sinehan.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with