^

PSN Showbiz

Kris umabot ng P80k ang pinamigay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris umabot ng P80k ang pinamigay
Kris Aquino
STAR/ file

Sunud-sunod na ang online shows, mga live chat na pinagkakaabalahan ng fans para makahuntahan ang mga paborito nilang artista.

All-out ang suporta ng fans ni Maine Mendoza sa kanyang Live Lockdown Kuwentuhan nung nakaraang Sabado ng hapon.

Kung anu-ano lang naman ang pinag-usapan nila, pero nakapag-promote naman siya roon ng bagong single niyang Parang Kailan Lang.

Todo rin ang suporta ng fans at supporters ni Julie Anne San Jose sa kanyang birthday mini-online concert na Jam With Julie, na pawang mga sikat na awitin ng OPM bands ang nasa repertoire niya.

Obvious na napahinga nang husto si Julie Anne dahil ang ganda ng timbre ng boses niya na parang pinaghandaan niya talaga, at ang ganda-ganda niya sa kanyang ayos na parang iba ang nag-make-up sa kanya.

Ang dami ring nag-abang kay Kris Aquino nung Sabado, dahil namumudmod siya ng cash prizes.

Pero bandang huli, in-announce niyang sa Lunes, May 18 na lang daw niya gagawin dahil hindi niya kayanin nung araw na iyun gawa ng kanyang migraine, headache, fibromyalgia, at PMS.

“I’ve learned to really LISTEN to my BODY and prioritize my health,” sabi pa niya sa kanyang Instagram post.

Mas marami pa raw siyang bibigyan ng cash prizes dahil sa paghihintay sa kanya.

Pero kinahapunan, nagbago ang isip niya at itutuloy na raw niya ito.

Ang dami raw kasing umasa at gusto sanang maambunan ng tulong mula sa kanya, kaya itutuloy na raw niya ito.

Sabi niya sa kanyang FB thread; “Sa daming biyaya namin nila Kuya Josh & Bimb dahil sa tiwala at suporta mula sa inyo, chance kong makabawi sa kabutihang loob ninyo…deadma na muna sa rashes sa balat ko.”

Kaya umabot ng 80 thousand pesos ang papremyong ipinamigay niya nang natuloy ang FB live session niya nung Sabado ng gabi.

Sa totoo lang, mas mabuting dito na muna sa online tsikahan ang pagkaabalahan ng mga tao, kesa makisiksik sila sa mga nagpupuntahan sa mga mall na kabubukas lang nung nakaraang Sabado.

Idiot at moron actor, binuhay ang away!

Inaasahang hindi na lalala pa ang hidwaan ng dalawang kilalang aktor na nagkaroon ng isyu ilang taon na ang nakaraan.

Nabuhay na naman kasi ang isyung ito, pagkatapos magsalita si kontro­bersyal na aktor na hindi napigilan ang sobrang galit.

May nakapansin na pagkatapos ng pagsasalita ni kontrobersyal aktor sa isang FB live chat, may post naman ang isang guwapong aktor sa kanyang Twitter account ng “What is this idiot saying?”

Ang idiot kaya na tinutukoy niya ay  itong si kontrobersyal na aktor?

Pinag-uusapan ito ngayon sa ilang tsikahan sa showbiz at alam nila kung sino itong dalawang aktor.

Si guwapong aktor ay gumanap sa isang pelikulang may kinalaman sa mga morons, at ngayon ay idiot ang tawag niya kay kontrobersyal na aktor.

Kaya sabi ng ilang observers, lalaki pa kaya ang isyu nitong si idiot actor versus moron actor?

Sinisita naman ng ilang taga-showbiz ang nagkakalat nito dahil mas mabuting huwag na lang daw sanang lumaki pa ang isyu ng dalawang aktor. Masaya naman daw sila sa kanilang personal na buhay at career

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with