^

PSN Showbiz

'Sila ba uli?': Nadine Lustre nag-post ng litrato kasama si James Reid

James Relativo - Philstar.com
'Sila ba uli?': Nadine Lustre nag-post ng litrato kasama si James Reid
Bagama't nakatalikod, makikitang naka-tag sa litratong in-upload ni Nadine Lustre ang Instagram account ni James Reid.
Instagram ni Nadine Lustre

MANILA, Philippines — Halos apat na buwan matapos ang hiwalayang pinagkaguluhan sa social media, nagparamdam uli sa social media ang noo'y tambalang "Jadine," Lunes.

Sa isang post ngayong hapon, ipinaskil ni Nadine Lustre ang litrato nila ng dating boyfriend na si James Reid habang nakatanaw mula sa isang bundok.

Kahit na nakatalikod ang dalawa, kapansin-pansing naka-tag sa litrato ang Instagram account ni James.

Walang mga salita sa kanyang caption, at makikita lang ang isang binhi ng halaman.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

??

A post shared by ???? ?? (@nadine) on

Sari-sari tuloy ang espekulasyon ng kanilang mga fans at mga kaibigan kung talagang nagkabalikan na ang dalawa o hindi.

"Well well well @nadine @james," komento ng producer na si @yungbillydavis sa post.

Ang electronic folk singer/song writer naman na si Keiko Necesario, napangiti na lang na may heart.

"Jadine parin ulol," at "YES NA YESSS!!" na lang ang sinabi nina @debbie_then at @hyperaktib.

Sa kabila ng lahat nang 'yan, hindi pa tiyak kung ano na nga ba ang real score sa dalawa.

Enero nang kumpirmahin ng former celebrity couple ang kanilang paghihiwalay matapos maglabas ng joint statement sa "Tonight With Boy Abunda."

"Totoong wala na kami, pero hindi dahil sa mga dahilang ikinakalat sa mga tabloid at social media... nagdesisyon kaming mag-focus sa aming sarili, hindi lang para sa aming karera ngunit para sa aming personal growth bilang bata pa kami at nais pa naming maka-achieve ng mas marami pa," sabi nila sa Inggles.

Sa kabila nito, siniguro ng dalawa na "in good terms" sila at nananatiling matalik na magkaibigan.

Una na itong inilathala ni The STAR Entertainment Editor Ricky Lo sa kanyang kolum ang paghihiwalay ng dalawa, bagay na kanilang ikinaila muna.

vuukle comment

JADINE

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with