^

PSN Showbiz

Pauleen nangarag sa paglalako ng milk tea

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen nangarag sa paglalako ng milk tea

Napagod si Pauleen Luna sa pagtitinda ng kanyang Bestea (milktea) sa kanilang village sa Alabang nung nakaraang Lunes. Nakakaloka! Nagbenta ako ng milktea sa mga kapitbahay. Ewan ko ba bakit ko ginawa hahaha!” text niya sa akin nang tinanong ko kung bakit bigla siyang nagtinda ng kanyang milktea.

Mahigit isang buwan na rin kasing nakasara ang tindahan ng milktea niya sa Alabang at parang naisip lang daw niyang i-shout out sa Facebook group ng homeowners sa kanilang village at ang dami raw nag-order.

Kaya maghapon siyang naghanda ng milktea at ipina-deliver niya iyun. Mahigit 300 cups daw ang nabenta niya nung araw na iyun at hindi pa raw niya masabi kung magtitinda siya uli dahil nangarag din daw buong araw.

Kahapon ay 65th birthday celebration ni Vic Sotto kaya naghanda raw siya ng konting surprise at sila-sila lang daw ang naghanda sa kanilang tahanan.

Pero wala pa kaming ideya kung meron ding inihanda ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga dahil nung Lunes din ng tanghali sa Facebook live ng Eat Bulaga ay nag-uusap sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola kung ano ang gagawin nila para sa kaarawan ni Bossing Vic.

Sabi nga ni Wally, balak daw niyang pumunta sa tahanan nina Bossing Vic para personal niyang batiin.

Nagtatanong siya kay Paolo kung magkano ang fine kung sakaling mahuli siyang lumabag sa quarantine rules para lang mapuntahan si Bossing Vic. Wala siyang kaide-ideyang puwede siyang makulong kung sakaling mahuli siya sa checkpoint na walang quarantine pass.

Bukas na lang ang update kung ano ang ginawa nina Pauleen at mga taga-Eat Bulaga sa quarantine birthday celebration ni Bossing Vic Sotto.

Derek pinagtanggol ang pulis sa malditong foreigner

Si Derek Ramsay ang isa sa nagpupuyos sa galit sa unang inilabas na balitang paghuli ng Makati police sa isang foreigner sa Dasmariñas Village.

Napanood naman siguro natin sa news sa TV at narinig na rin ang mga balita sa radyo kung ano ang totoong nangyari.

Pero ang inilabas ng isang online news group ay sinasabi ng Kapuso actor na ‘bad journalism’ dahil hindi man lang daw muna kinuha ang buong detalye bago inilabas ang balita.

Lumalabas sa balitang iyun na masama na naman ang mga pulis at military na nagpapatupad ng batas ngayong naka-Enhanced Community Quarantine pa ang lahat.

Sabi ni Derek na ipinost sa kanyang Facebook account; Bad Journalism!!! Stop making it seen that our soldiers and policemen are always the bad guys. Shouldn’t you get all the details and facts first before posting an article about the situation?”

Inamin ni Derek sa interview sa kanya sa pep na galit siya talaga dahil hindi man lang daw binigyan ng respeto ang mga kapulisan at nasa military sa mga inilalabas na ganung balita. 

Hindi naman daw niya sinasabing mga anghel ang lahat na mga pulis at military dahil marami rin mga balitang umaabuso sila sa kanilang katungkulan, pero sana huwag naman daw one-sided ang pagbabalita gaya nitong online news page.

Nasa FB page uli ni Derek ang isa pa niyang post na tinutukoy naman itong mga mayayamang kagaya nitong foreigner na pinagmumura ang pulis na sumita sa kanyang kasambahay na hindi nagsusuot ng face mask.

Sabi ng Kapuso actor : Show respect to our soldiers and policemen!! Just because you are rich and live in an expensive residential area makes you decent or better than everyone. Kuya magbago ka na! Your arrogance doesn’t help. These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say.”

Sen. Bong sumasama sa pag-iikot

Patuloy ang pag-iikot ni Sen. Bong Revilla sa ilang lungsod ng Cavite para mamahagi ng relief goods na naipon nila. “Sumasama ako mismo sa pag-iikot para makita ko rin mismo ang kalagayan nila roon,” pakli ni Sen. Bong.

Habang binabaybay niya ang Cavite, papuntang Imus sinasabi niya sa kanyang Facebook live na doon ipinanganak ang ama niyang si dating Sen. Ramon Revilla Sr. Bumabalik daw sa alaala niya nung maliit pa siya na kung saan doon pa raw siya dinuduyan ng Mommy niya. Napapansin nga niyang lumilinis na ang hangin, pero napapansin daw niya ang mga taong namamalengke na kung saan pinapraktis nila ang social distancing. pangangailangan.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with