^

PSN Showbiz

Daniel, humingi ng tawad sa fans

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, humingi ng tawad sa fans
Daniel

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ni Daniel Padilla ang kanyang ika-dalawampu’t limang kaarawan.

Ang tanging hiling lamang ng aktor ay ang matapos na ang krisis na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019.

Noong Biyernes sa Magandang Buhay ay naibahagi ni Daniel ang kanyang panalangin. “Panginoon, una sa lahat maraming-mara­ming salamat po sa panibagong araw, sa panibagong umagang ito sa mga buhay namin. Ito po ay biyaya para sa bawat isa sa amin. Kasabay nito ang aming paghingi ng tawad sa mga pagkukulang namin bilang anak, kapatid, kaibigan at sa ­aming kapwa. Sa ganitong panahon ay gamitin N’yo po kami bilang instrumento at kami po ay malugod na susunod dahil isa lang naman po ang gusto naming lahat, ang malampasan ang krisis na ito na puno ng pagtutulu­ngan, pagmamahalan at pananalig sa Iyo.

“Sana po ay gabayan N’yo po ang aming mga bagong bayani, ang mga frontliner sa mga ospital, ang aming mga sundalo. Ang aming mga kapwa na nahihirapan sa sitwasyon na ito, sila po ay gabayan N’yo at bigyan N’yo ng lakas hanggang matapos ang krisis na ito. Tayo po sanang lahat ay magmahalan at panahon na po para magkaisa. Sana po lahat tayo ay magtulungan mula sa itaas, sa ating gobyerno, hanggang sa mga tao, tayo po dapat ay magkaisa. Lord, maraming-maraming salamat sa lahat sa isa na naman pong masayang kaarawan at umabot po ako ng bentesingko. Thank you very much, Lord.” panalangin ni Daniel.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa. “Siyempre hindi ko pwedeng kalimutan sa aking mga supporters, pasensya na kung sa tingin n’yo ay nagkukulang ako sa panahon ngayon, siguro hindi ako nagpaparamdam sa pagpo-post, pasensya na po. Ako po ay intindihin n’yo at mahina tayo sa online-online, sa social media. Pero hindi n’yo man po nakikita ang mga ginagawa ko, tayo po ay hindi titigil tumulong at hindi tayo titigil na magbigay ng saya sa ating kapwa. Kaya mara­ming salamat sa pag-intindi, sa aking mga supporter. I miss you all very much. Sana ay samahan n’yo ako na mag-celebrate ng birthday sa kanya-kanyang tahanan. Kaya all the love and amen, Lord. Thank you very much,” pagtatapos ng aktor.

Ivana nagsalita sa milyones na kita sa yt

Mahigit anim na milyon na ang subscribers ni Ivana Alawi sa sarili nitong YouTube channel.

Mataas din ang views palagi sa mga video blogs na ginagawa ng dalaga para sa kanyang mga tagahanga.

May bulung-bulungan na milyon umano ang kinikita ni Ivana sa pagiging vlogger nito. “Ang kinikita ko lang six digits. Hindi ‘yun totoo na parang kumikita ka ng one million per day. Pangalawa, hindi ako sumali sa YouTube para sa kita,” paglilinaw ni Ivana.

Madalas na nakikitang kasama sa YouTube videos ng sexy actress ang nakababatang kapatid na si Mona kaya mas nagiging kaaliw-aliw ang mga ito. Iniipon daw sa ngayon ni Ivana ang lahat ng mga kinikita mula sa YouTube para sa kanilang ina. “Hindi ko ‘yon ginagastos kahit piso kasi pambili ko ‘yon ng bahay ni Mama,” pagtatapat ng dalaga.   (Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with