^

PSN Showbiz

ASAP ginagamit ang milagro ng teknoholiya para makapagpasaya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
ASAP ginagamit ang milagro ng teknoholiya para makapagpasaya!

Naurong nang alas-dos y medya nang hapon ang pagsahimpapawid ng ASAP Natin ‘To nu’ng Linggo. Nagbago man ang kanilang oras ay marami pa ring nag-abang, panghugas kasi sa sobrang kalungkutan ngayon ang mga handog na saya ng programa, para maiba naman sabi nga ng mga kababayan natin.

Apat na personalidad ng ABS-CBN ang binigyan ng espesyal na simpleng pagbati ng musical show, sina Regine Velasquez, Luis Manzano, Angel Locsin at Kim Chiu.

Wala pa rin sila sa studio, nasa kani-kanilang bahay pa rin ang mga artista at singers ng Dos, pero nakakatuwa kung gaano kalakas ang higop ng ginagamit nila makinarya para sa signal.

Nakipagduweto si Regine sa tagahanga niyang frontliner, ito ang panahon na kahit masayang piyesa ang kinakanta nila ay magpapangilid ng luha ng manonood, hihinihingi ‘yun ng isang malungkot na sitwasyon.

Saludo kami sa matinding trabahong ginagawa ng mga staff ng ASAP Natin ‘To, espesyal naming hinahangaan at pinahahalagahan ang mga napapanood namin sa programa, magkakalayo pero napaglalapit nila ang mga personalidad.

Lalo na sa mga production numbers ng mga artista nila, hindi naman isa o dalawa lang ang nagsasayaw, pero talagang sabay-sabay ang kanilang galaw at indak.

Hinahati-hati nila ang frame, pero ganu’n pa rin ang resulta, magkakasabay silang nagsasayaw na parang magkakatabi lang sila.

Siguro nga ay mas matinding trabaho pa ang ginagawa ng production staff ngayong may ECQ kesa sa regular nilang programa sa studio.

Ang nagagawa nga namang milagro ng teknolohiya, limang hosts ang sabay-sabay na umeere, nasa kani-kanyang bahay lang sila pero ang dating sa manonood ay magkakasama pa rin sila.

Angel pinasalamatan ng frontliners

Napakaganda ng imahe ni Angel Locsin. Palagi naman dahil sa mga ginagawa niyang tahimik na pagtulong sa mga kababayan nating inaatake ng kalamidad.

Pero ibang-iba ang sitwasyon ng ginagawa niyang pag-ayuda ngayon, isa rin siyang frontliner, dahil nagpupunta siya sa mga lugar na pinamamahayan ng nakamamatay na COVID-19.

Sa pag-aasikaso sa mga tent na ipinamamahagi niya sa mga ospital para pansamantalang matirahan ng mga bayani nating frontliners ay nagdedelikado ang kanyang buhay.

Inilalapit ni Angel ang kanyang sarili sa gitna ng laban, hindi siya natatakot, dahil ang nakatanim sa puso at isip niya ay ang kaligtasan ng mga kababayan nating nasa unang hanay ng giyera sa corona virus.

Sabi nga ni prop, “Ipag-aadya ng Diyos si Angel sa kapahamakan, aalagaan siya, patuloy pang palalakasin, dahil napakaganda ng layunin niya.

“Heto na nga, aaminin ko na, nu’ng isang hapon, e, napanood ko siya sa isang lumang project niya. ‘Yung The Legal Wife?

“Natural, kinaliwa siya ng husband niya, nahuli niya, umiyak siya nang umiyak sa balikat ni Boyet de Leon. Ang galing-galing ng acting niya, ramdam na ramdam mo ang feeling ng isang misis na kinaliwa.

«Iyak ako nang iyak sa eksena, grabe, nakisabay talaga ako kay Angel dail ang galing-galing niya! Pero kaya ako talaga naiyak, e, naaalala ko ang kabutihan ng puso niya sa pagtulong sa mga kababayan nating frontliners.

“Hindi naman lahat, e, makagagawa ng ipinakikita niyang kabutihan, sa totoo lang. Kaya kung makukumbinse siyang tumakbong senador sa next election, buong family ko ang boboto sa kanya!” mahabang kuwento ng kaibigan naming propesor.

Maraming nagpapasalamat na frontliners sa birthday celebration niya sa ASAP Natin ‘To, sinsero ang pagbating ipinaaabot sa kanya, wala mang magarbong selebrasyon para sa kanyang kaarawan ay siguradong mamarkahan ng magandang aktres ang mapaghamong taon na ito sa buhay nating mga Pilipino.

Hindi siya umaasa na anumang balik, mula sa puso ang ginagawa niyang suporta, basta maligaya ang nag-aabot ng tulong ay parang bayad na rin siya.

At harinawang maging ligtas si Angel Locsin sa lahat ng kapahamakan. Ipagdasal natin ang kanyang kaligtasan.

vuukle comment

ASAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with