^

PSN Showbiz

Kapamilya stars nangulit sa pagsusuot ng mask

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya stars nangulit sa pagsusuot ng mask
Kapamilya Stars

Nagsama-sama ang cast ng mga ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano, Love Thy Woman, 24/7, at Ang Lihim ni Ligaya para himukin ang publikong manatili sa bahay at magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas para protektahan ang kanilang kalusugan.

Marami kasi talagang hanggang ngayon ang pasaway kaya nagbanggit na si Presidente Duterte na magiging mala-Martial Law na ang style ng community quarantine kung patuloy na magmamaldito ang lahat at hindi susunod na mag-stay at home muna.

Anyway, pinangunahan nina Coco Martin at Yassi Pressman kasama sina John Prats, Bianca Manalo, Michael De Mesa, John Arcilla, Shaina Magdayao, Rowell Santiago, Lorna Tolentino, at iba pa ang kampanyang #MasOkPagNakaMask na bahagi ng “Ligtas Pilipinas” advocacy ng ABS-CBN. Nakasuot sila ng puting T-shirt at mask sa mga litratong may tatak na “Mask is a must” na inilabas ng Dreamscape Entertainment sa social media pages nito.

“Stay at home, Kapamilya! Pero kung kinakailangan talagang lumabas, dapat ay may nakahanda kang washable mask. Gawin natin #LigtasPilipinas at ang ating mga pamilya,” nakasaad sa kalakip nitong caption.

Naglabas din ng video sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Ivana Alawi, Angel Aquino, at Melissa Ricks para turuan ang publikong gumawa ng sarili nilang mask at hinimok ang netizens na gawin ito.

Nakiisa rin sa kampanya ang Love Thy Woman stars na sina Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, Jen Sevilla, David Chua, MJ Cayabyab, Richard Juan, at Tim Yap, 24/7 stars na sina JC Santos, Joross Gamboa, Pen Medina, Joem Bascon, at Bodjie Pascual, at ang mga bida ng paparating na seryeng Ang Lihim ni Ligaya na sina Kit Thompson, Agot Isidro, Ryle Santiago at Hasna Cabral.

Noong nakaraang linggo, inobliga ng pamahalaan na magsuot ng mask o improvised face shields ang mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

vuukle comment

ABS-CBN

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with