^

PSN Showbiz

Stand for Truth, isang taon na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Stand for Truth, isang taon na!
Atom

Naka-isang taon na pala ang online newscast na Stand for Truth.

Actually, kinakitaan na namin ito ng potential nang magkaroon ng launching last year. Kaya naman hindi na kami nagtaka na naging matagumpay ang programang ito ng GMA Public Affairs. Ngayon nga, isa na ito sa mga inaasahan  pagdating sa breaking news at exclusive reports.

Mahusay ang pagkaka-train ng Kapuso Network sa mga batang reporter na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Gamit ang kanilang mobile phones at ang­king journalistic skills ika nga, nakakapag produce sila ng mga story na madalas ay ginagamit na ng mainstream newscasts. Marami rin silang exclusive reports na naging daan upang maaksyunan ng mga kinauukulan ang ilang isyu ng bansa.

Pataas nga nang pataas ang bilang ng views ng SFT videos sa Facebook at YouTube, patunay na maraming netizens na ang tumututok sa nasabing pioneering mobile journalism newscast na main hosts sina Atom Araullo at Richard Heydarian.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

STAND FOR THE TRUTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with