^

PSN Showbiz

Lockdown, ang lakas maka-Deja Vu!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lockdown, ang lakas maka-Deja Vu!
Lorna Tolentino
Courtesy of Raf Fernandez

Deja Vu, iyan ang feeling ng mas marami Salve habang naka-quarantine at walang ginagawa.

Iyon para bang flashback lahat ng past years sa buhay mo ang nakikita mo sa iyong utak.

Iyon feeling na noon ganitong panahon ganito ginagawa ko, iyon ganyan araw nandoon ako, kasama ko pa sina ganito at ganoon ng mga araw na ito.

Or baka naman sa isang 73 years old senior lang na tulad ko nangyayari iyon?

Basta there was a moment na para bang back to the past ako, reminiscing the moments I enjoyed during my youth and remembering friends and places.

Naisip ko nga, baka dahil at peace ang utak ko, kaya I remembered those happy brilliant memories. Sarap din ng feeling, ganun pala iyon, dapat talagang worry free ang utak mo para mas vivid ang flashback mo.  Talagang mabuti sa mental at physical health mo ang pahinga. Emotionally, mas sensitive ka, mas nakikita mo ang ganda ng buhay at mas appreciated mo.

So grateful, eternally grateful for all the memories.

Sardinas mas lalong sumikat!

Bidang-bida ngayon ang maraming sardinas na ibinigay na ayuda sa maraming lugar kasama na ang Quezon City.

Kaloka na ang dami palang brand ng sardinas ang nasa market na hindi natin alam dahil hindi malakas sa marketing o walang masyadong advertisement o walang artista na endorser.

Kundi pa dahil sa relief goods, ‘di pa natin malalaman na ang dami palang brand ng sardinas sa merkado na mas masarap pa kesa dun sa madalas natin mapanood sa TV o kaya meron nag-i-endorse na sikat na artista.

Totoo nga na kung minsan nakukuha ng ibang brand ang publiko dahil sa tindi ng ads nila, at mas malaking kumpanya sila, hindi tuloy napapansin iyon talagang mas maganda ang quality at mas masarap.

At least now, natikman mo na lahat ng brands, sure ako after this iyon na ang hanapin mo at mas mura pa kesa dun sa kilala nga pero mas mahal.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with