^

PSN Showbiz

Mga tv drama babalik na sa pagiging conservative

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga tv drama babalik na sa pagiging conservative
Judy Ann

Isang buwan nang ipinapairal ang Enhanced Community Quarantine at muli na namang lumilitaw ang usap-usapang baka magkaroon pa uli ng isa pang extension pagkatapos ng April 30.

Sa totoo lang, iyun naman ang nararamdaman ng karamihan dahil sa takbo ng mga pangyayari, mukhang hindi pa rin puwedeng i-lift ang ECQ pagkatapos nang pagtaas nga mga positive cases sa COVID-19 at nadagdagan pa ng mga pasaway.

Kaya sa mga usap-usapan sa showbiz, ano na ngayon ang gagawin kung sakaling ma-extend pa itong ECQ. May ilang kilalang celebrities na nag-iisip na raw ng online shows dahil ito pa lang muna ang puwedeng gawin na pinapanood naman ng mga netizen.

Ang pinag-uusapan pa kasi ngayon, napaplano na raw ang isang network na kung ano ang gagawin pagkatapos nitong COVID-19. Isang network ang nagsasabing isang buwan pa raw muna ang hihintayin bago bumalik ang taping sa mga drama series.

Mag-iingat pa rin ang lahat siyempre at tiyak na gagawin pa rin ang social o physical distancing. Ikaw ba artista, papayag na makipag-kissing scene o kahit makipagyakapan sa co-actor mo na hindi mo sure kung safe na ba tayo sa COVID-19?

Sabi pa raw, malaki talaga ang mababago sa mga show na mapapanood dahil posibleng babalik daw sa 1940s na sobrang conservative na ang mga eksena. Walang halikan, baka dayain pa ang yakapan at wala na raw sigawan para makaiwas sa droplets.

Kaya ang sabi raw ng ilang staff na napagtanungan namin, baka uunahin daw muna ang mga nasa studio lang ang taping dahil kontrolado pa ang mga tao.

May mga ilang show daw na ipu-produce na wala gaanong interaction sa mga tao, at konti lang ang staff na involved, na posibleng online pa rin.

Agree naman ang karamihan na pagkatapos nitong pinagdaanan natin sa COVID-19, tiyak na hindi na kagaya ng dati ang takbo ng buhay natin. Mas gugustuhin na lang ng mga tao na mag-stay na lang sa bahay kasama ang pamilya kesa makiki-party sa labas at baka meron pang makasingit na taong may dalang Corona virus, posible pang mahawa.  

Pagdating sa movies ay wala ring kasiguraduhan kung makakabalik ba ito agad. Matitiyak ba natin sa publiko na babalik ang interes nila sa panonood sa mga sinehan?

Sabi nga ng ilang filmmakers na nakatsikahan ko, tiyak na takot pa rin daw ang mga taong pumasok sa mga sinehan na enclosed at madaling makahawa ng sakit. Ilang artista nga ay takot pa raw magbiyahe kung sakaling puwede nang lumabas dahil takot silang sumakay sa eroplano na malaki ang tsansang makahawa kung may makasabay na pasaherong may sakit.

Pati nga mga mamahaling damit, sapatos at mga gamit ay hindi na rin daw priority, kaya iniisip na raw ng ibang artistang magbenta na lang dahil nawawala na raw ang interes nila sa mga mamahaling bagay.

Kahapon ay sinimulan na ng Cainta Mayor Kit Nieto ng magbenta ng mga mamahalin niyang sapatos para pandagdag pang tulong sa mga constituents.

Kaya isa sa mga araw na ito, maaring magsunuran na ang mga tao sa pagbebenta online para mabawasan na ang mga gamit at kikita pa rin dahil wala pa ring trabaho.

Himala ni Nora bubuhayin sa digital

Ang isang pinag-uusapan ngayon na hindi pa rin nakumpirma ay ang online reading ng obra ni Ricky Lee na Himala.

Tampok daw sa reading ay sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Hinihintay na lang daw ang sagot kung sino kina Angel Locsin o Judy Ann Santos na papayag sa female lead.

Pumayag na rin daw si Nora Aunor na magpa-interview para mapag-usapan ang naturang pelikula.

Sana matuloy ito para may bago naman tayong mapapanood kahit sa online.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with