^

PSN Showbiz

Ryan naging masahista, Juday naging propesora na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryan naging masahista, Juday naging propesora na!

Maraming mga bagay ang natutunan ni Judy Ann Santos tungkol sa kanyang pamilya ngayong panahon ng enhanced community quarantine. Kasama ng aktres ang asawang si Ryan Agoncillo at tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna sa kanilang bahay sa kasalukuyan.

“So far with the four weeks na staying at home and not seeing any of our friends and other family members, the realization is kaya naman pala to take care of the kids and communicate with them properly. ‘Yung pagkakaintindi nila sa current situation with the frontliners, curfew hours, naintindihan nila ‘yung disiplina. They slowly miss their friends, their classmates. We just have to explain to them na what we have now is each other and we should be grateful to have frontliners who are out there for us. Basically, ‘yung gratefulness for all the little things we have, that’s what we are teaching our children,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa pagkakaroon nila ni Ryan ng mabubuting anak. “They make life easier for us and more memorable. Nandoon ‘yung appreciation namin sa isa’t isa na napalaki namin ng tama ‘yung mga anak namin. We laugh more, we talk more, we have fun more. Ginagawan namin ng paraan na maging mas memorable na lang ito, na hindi dadating sa point na wala kang natutunan,” pahayag ng young superstar.

Para naman kay Ryan ay isang magandang karanasan din ito para sa kanilang buong pamilya dahil nagkaroon sila ng mas mahabang bonding sa sariling tahanan. “Like ako naging masahista. Si Juday from being chef, naging propesora tuwing umaga. Yohan is now evolving into that Ate talaga, like now she’s tutoring Lucho. Si Lucho naman gano’n din, playing with Luna because mommy and daddy are busy in the kitchen. It’s an evolution to be of service to each other,” kwento ni Ryan.

JM hindi pinagsisihan na ‘nawasak’ kay Jessy

Aminado si JM de Guzman na naligaw siya nang landas ilang taon na ang nakalilipas kaya nabigo sa kanyang buhay pag-ibig. Hindi pinagsisisihan ng aktor ang mga nangyari dahil maraming mga aral din ang kanyang natutunan mula sa mga naranasan. Matatandaang naging kasintahan ni JM si Jessy Mendiola at naugnay din ang aktor kay Barbie Imperial nang magkatambal sa teleseryeng Araw Gabi.

“Mali-mali ‘yung mga proseso ko noon pero natuto na ako. Iba ‘yung proseso ko dati, pa-self destruct (kapag heartbroken). Feeling ko kailangan kong pagdaanan ‘yon, ma-experience ‘yon para meron ka ng awareness na may posibilidad ka palang pwedeng maging gano’n kapag in love ka or nasaktan ka. So mas malakas ‘yung reflex ko ngayon doon,” makahulugang paglalahad ni JM.

Hindi umano naniniwala ang binata na kailangan kaagad ng isang bagong inspirasyon kapag katatapos pa lamang ng isang relasyon. “No, all you need is yourself and God. Kailangan sapat na ‘yung love mo sa sarili mo, hindi ka dedepende sa puso ng iba,” giit ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with