^

PSN Showbiz

Aligagang buhay tanggal sa quarantine

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Aligagang buhay tanggal sa quarantine
DongYan

Happy Easter, Happy Christmas , Happy Lockdown sa lahat ng readers ng PSN.

Sino ang mag-aakala na mararanasan natin ang Pasko ng Pagkabuhay sa loob ng mga bahay-bahay natin, hearing mass on TV instead na sa simbahan.

One happy occasion sa buhay nating mga Katoliko na wala tayo sa labas para mag-celebrate.

Pero anywhere basta nandun iyon faith natin ay magbibigay sa atin ng happy feeling.

Ewan ko pero parang acclimatized na ako sa lockdown. Nung una talagang aligaga ako, hindi mapakali at naiinip pero now gusto ko na itong bagong phase ng buhay natin -  gising, kain, nood ng tv, basa ng magazine, kalkal ng mga kalat ng gamit mo, hindi hectic, hindi toxic ang schedule mo.

Sabi ko nga buhay mayaman, kung wala kang problema sa gastos sino ang hindi matutuwa sa buhay natin ngayon, at least lahat tayo naranasan iyon buhay na pitik-pitik lang. Tipong no problemo, inside ka lang ng bahay.

So basta habang nandiyan, at hindi naman kailangan maging problema, enjoy natin ang lockdown at quarantine, huwag mag-alala, mag-feeling mayaman na lang tayong lahat. Happy Easter. Jesus is alive, lagot si coronavirus hah hah hah.

Dongyan parang laging nasa honeymoon stage

Ramdam na ramdam ang people chemistry  sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. ‘Yung tipong kung saan masaya ang isa sure ako kasama iyon partner niya. Kung ano ang advocacy ng isa, pareho sila, tulad nang ginagawa nilang pagtulong sa frontliners ngayon.

No wonder sa pagsasama nilang dalawa kasama ang dalawang anak na sila Zia at Ziggy parang laging honeymoon stage pa rin sila Dingdong at Marian.

Tunay na dahil sa ganda ng pagsasama nila, bawat gawin nila magaan nilang natatapos.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with