^

PSN Showbiz

Karla, inalala kung paano nanghingi ng tawad sa diyos

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla, inalala kung paano nanghingi ng tawad sa diyos
Melai and Karla

Inalala ni Karla Estrada ang mga panahong nagpabago sa kanyang buhay.

Ito ay noong ipinagbuntis niya ang panganay na anak na si Daniel Padilla mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Kasagsagan ng karera noon ng aktres nang mabuntis ni Rommel Padilla. “Noong oras na nalaman ko na ako ay buntis talagang iniyak ko ‘yon nang todo. Kasi ako ang bumubuhay sa buong pamilya. Kakabago ko lang na artista, kakaangat lang ng karera, tapos nalaman ko na buntis ako. So talagang sabi ko, ‘Lord, hindi ko kakayanin, kaya kayo po ang magbigay sa akin ng wisdom, bigyan n’yo ako ng sign kung ako ba ay karadapat-dapat na maging nanay.’

“After noong napakabigat na prayer na ‘yon, I was crying, I was asking for forgiveness because I disobeyed. Sobra akong nag-disobey sa will Niya. That was my turning point. After crying sinabi Niyang ituloy mo ang bata na ‘yan at ‘yan ang magsasalba sa pagkatao at buhay mo.

“Sa susunod na mga anak na-appreciate ko na, na ito talaga ay blessing lahat na galing sa itaas. The turning point lang no’ng pinaka-down ko was when I found out na buntis ako kay Daniel. Pero paglabas na paglabas ko ng kwarto na sobrang iyak na talagang, ‘Lord ano po ang gagawin ko?’ Kasi grabe parang bigla akong na-lost, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pagkatapos na pagkatapos kong magdasal ang linaw ng mensahe, ‘Ituloy mo ang bata na ‘yan, ibinigay Ko ‘yan sa iyo.’ Pagkatapos noon ay labas ako, kinausap ko ang nanay ko, everything naging smooth lahat,” pagdedetalye ni Karla.

Kinailangan daw magtago ng aktres noon sa publiko lalo na sa mga showbiz reporter habang buntis upang makaiwas sa mga intriga. Sa loob ng siyam na buwang nagdalang-tao ay hindi rin nakaisip ng ipapangalan si Karla sa kanyang panganay. “The first time I saw my son, wala akong naisip na siyam na buwan kung ano ang pangalan niya. Paggising na paggising ko sa ospital mayroong Bible. Madalas ang ospital sa tabi ng bed, may mesa at Bible. So binuksan ko ang Bible, binabasa ko ang mga pangalan. I chose Daniel and then John kaya siya DJ, Daniel John. Doon ko mismo nakuha ang name. After noon nabalewala lahat ang mga iniisip ko,” kwento ng aktres.

Melai forever idol si Kristine

Noong April 6 ay nagdiwang ng kanyang ika-tatlumpu’t dalawang kaarawan si Melai Cantiveros. Masayang-masaya ang aktres dahil kahit nasa bahay lamang ay nakatanggap na video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa. “Hindi man tayo matagal na nagkasama sa industriya but I know that you are a good person, a good mother to your children and a good wife. Ang prayer ko ngayong birthday mo is that patibayin ni Lord ang inyong pagsasama at ikaw bilang ina, that God will also give you guys wisdom, grace and patience sa pagpapalaki ng mga anak n’yo. Hindi madali but of course, with God’s grace kaya natin ito. So I just pray that you will enjoy your day and of course, let’s continue praying for the whole world na matatapos din ito. Mabait si God, enjoy your day and happy birthday. God bless you and hi to your family,” mensahe ni Kristine sa naturang video.

Agad namang nagbigay ng mensahe ni Melai para kay Kristine sa kanyang Instagram account at may caption itong, “Ito ang best birthday ever kasi ever since idol ko from the start na sobra is Ms. Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Isa rin sa dahilan bakit gusto ko mag-artista kasi gusto ko (sila) makita. Indeed dreams do come true… Thank you so much Ms. Kristine Hermosa sa iyung message. I love it. I will always treasure this video greetings forever,” post ni Melai. (Reports from JCC)

vuukle comment

KARLA

MELAI CANTTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with