DoNation Drive ni Maine, tuloy ang pagdi-distribute
Nakakabilib na umabot na sa higit P587,677.92 ang total amount na nalikom ni Maine Mendoza bilang donations sa project niyang DoNation Drive as of March 25. Layun nito ang magbigay ng financial aid sa mga daily wage earners na apektado ng Enhanced Community Quarantine. Sa loob lang ng isang linggo, nakapagpadala si Maine sa 587 na tao, kung saan karamihan ay mga driver ng pampublikong sasakyan at street vendors.
Samantala, muling mapapanood si Maine bilang si Laura Patola sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’, kasama ang child wonder na si Baeby Baste. Sinundan ito ng episode na pinamagatang ‘Sa Ilalim Ng Buwan’, na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Primetime Princess Barbie Forteza na napanood noong Linggo.a
- Latest