^

PSN Showbiz

Mga korean oppa naalala sa lockdown

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga korean oppa naalala sa lockdown
Hyu Bin

Hindi ko ma imagine Salve kung paano halimbawa na stranded ka sa ibang lugar dahil walang flight  pauwi sa bayan mo? Halimbawa nandun tayo sa Korea nila Rose Garcia at Vinia Vivar plus Lynette Baldivino, tapos lockdown at wah flight pauwi sa Pinas, ano gagawin natin?

Paano natin babayaran iyon hotel? Paano ka lalabas kung may qua­rantine sa Korea?

Kahit kaya mga addict tayo sa mga Oppa at Noona, maging maligaya kaya tayo na stranded tayo?

Makita kaya natin sila Jo In-sung, Lee Seung-gi at Nam Jo Hyuk?

At kahit makita natin, magiging masaya kaya tayo thinking kung ano na nangyayari sa Pinas at mga kamag-anak natin? Hah hah hah.

Dahil walang laman ang utak ko, kung anu-ano na naman ilusyon ang pumapasok, like parang nakita ko scenario na masaya si Rose at Vinia na maging alalay ni Lee Seung-gi, hinahanap ni Lynette si So Ji-sub, at ikaw naging maid ni Hyu Bin at feeling mo ikaw si Seri, Salve. Ako, granny ni Jo In-sung kaya love niya ako at inaalagaan.

O ‘di ba bongga, lahat kayo alalay ako, inaalagaan. Hah hah, kahit sa ilusyon, bully ko kayo, hah hah hah.

‘Wag maging bato ang puso’

Sa panahong ito, dapat siguro hindi masyadong maging insensitive ang mga tao. Totoo na lahat takot sa covid-19, lahat tayo ayaw mahawa ng sakit, lahat tayo takot pero huwag naman to the point na hindi mo papayagan tumira ang mga alam mo na may nakasalamuha na may covid 19.

Balitang iyon ibang mga kamag-anak ng mga maysakit nito ay nilalayuan na rin ng mga tao kahit hindi naman sila iyon maysakit. Iyon nga raw freelance personal assistant ng GMA na comatose dahil sa covid 19 kasama ang nanay at isa pa sa ospital pinaalis sa ospital at ayaw naman payagan bumalik sa probinsya nila dahil nga baka raw madala ang virus dun.

Iyon naman daw dalawang magkapatid na parehong healthcare worker na magka-angkas sa motor, sinisingil ng 5K na multa samantalang ang suweldo lang nila ay 10K a month.

Sa mga ganitong pagkakataon dapat medyo may konti sanang leniency. Ok dapat maghigpit at dapat sundin ang batas, pero di ba puwede pagsabihan muna at pag inulit na ay saka na parusahan? Like iyon daw itinataboy dahil baka makahawa eh gabi na walang mapuntahan, paalisin mo pa?

Konting awa naman. Maging sensitive tayo sa kapwa natin. ‘Wag tayong maging bato.

vuukle comment

HYU BIN

NAM JO HYUK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with