^

PSN Showbiz

Julia ini-enjoy, protektado ang bagong ‘loved one’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia ini-enjoy, protektado ang bagong �loved one�
Julia

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Julia Barretto at Joshua Garcia bilang magkasintahan noong isang taon. Matatandaang naugnay din ang aktres kay Gerald Anderson na diumano’y dahilan nang paghihiwalay ng dating magkasintahan.

Ayon kay Julia ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa mga kontrobesiyang kinasangkutan noong 2019. “Alam naman nating lahat na bawat kibot, kembot ko palaging may nasasabi ang mga tao. I think now, I’m freeing myself. I’m free to say whatever I wanna say. I’m free to feel whatever I wanna feel. I’m free to act upon anything. And most importantly, I am free to love anyone whom I love, and anyone who makes me happy,” makahulugang pahayag ni Julia.

Mayroon na kayang bagong nagpapasaya sa puso ng aktres ngayon? “Siguro kasi sa trabaho natin, very open book na tayo eh. Lahat alam na tungkol sa atin eh. Kahit sa mga oras na ito, i-enjoy ko na akin lang ‘to. Ako lang ‘yung nakakaalam nito. So pinoprotektahan ko pa siya,” giit ng dalaga.

May bulung-bulungan na mayroon na talagang bagong inspirasyon si Julia dahil sa kanyang Instagram post nang magdiwang ng kaarawan noong March 10 na may caption na, ‘A dinner for 10, my family and a loved one.’ Nilinaw naman ng aktres na ang trabaho muna ang binibigyan niya ng panahon sa ngayon. “At twenty three, gusto ko lang talaga mag-work this year. Para kapag in the future mag-decide ako na magka-family na, ready na ako, comfortable na ‘yung life ko,” pagtatapos ng aktres.

Ogie nangakong gagawan ng kanta si Roxanne

Posibleng makabalik sa recording si Roxanne Barcelo. Bago magtapos ang 2019 ay nakasali ang aktres sa celebrity edition ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Si Ethel Booba naman ang tinanghal na champion sa naturang singing contest. Magkakaroon daw muli ng album si Roxanne dahil sa pagsali sa TNT. “Yes, hopefully this year, kasi dahil sa Tawag Ng Tanghalan and It’s Showtime, sabi ko talaga I will finish my album and babalikan din ‘yung mga songs na hindi ko pa na-release, ‘yung producers na I haven’t seen for a while, I will record them,” pagbabahagi ni Roxanne.

Ayon sa sexy actress ay nangako rin sa kanya si Ogie Alcasid na magsusulat ng isang awitin para sa bagong album. “Kahit si Sir Ogie nangako siya ng isang kanta for me. So sana tuloy-tuloy na ‘to and kukulitin ko na lang sila for my album,” dagdag pa ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with