^

PSN Showbiz

Joshua at Janella, sa pelikula masusubukan ang lakas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Janella, sa pelikula masusubukan ang lakas

Natawag ang aming pansin ng unang-unang mga stars ng ABS-CBN na lumabas na may suot na network colors bilang protesta sa sinasabing pagkilos para mapigil ang extension ng kanilang franchise, ay sina Joshua Garcia at Janella Salvador. Iyon ba ang pagpapakita ng network sa bagong love team  ay nangangahulugang wala na talaga ang partnership nina Joshua at ng dati niyang partner na si Julia Barretto?

Palagay namin napansin din nila, batay doon sa naging following ng seryeng ginawa ni Joshua at Janella at ang naging resulta ng love team nila ni Julia sa kanilang huling pelikula. Walang duda, mukhang mas malakas na ang suporta ng fans ngayon sa JoshNella.

Ikalawa, siguro nga naiisip rin nila na sa ngayon kailangang iwasan muna nila kung ano man ang negative image ng kanilang mga artista na nahalo sa kung anu-anong mga personal na controversies. At para nga magdala ng network colors, doon na sila sa sigurado kaya pinili na nila ang JoshNella.

Kailangan naman nila ng isang bagong love team eh. Nariyan pa rin ang KathNiel, at maganda pa naman ang standing ng LizQuen, pero natural kailangan nila ang isang mas batang love team at sino pa nga ba ang isusunod mo sa ngayon?

Pero mahalagang masubukan na agad ang JoshNella. Siguro maganda kung bibigyan nila ng pagkakataon ang JoshNella na magkaroon ng isang serye na sila talaga ang bida o kaya kahit na isang pelikula lamang na bida naman silang dalawa. Doon natin makikita kung malakas nga ang kanilang team.

Wala na rin naman kasing bata-batang love team ngayon sa buong industriya.

Gil biglang uminit nang magpakita ng katawan

Biglang sumulpot na naman sa social media, at halos sabay-sabay pang lumabas ang pictures ng male star at model na si Gil Cuerva. Hindi iyon sa isang bagong teleserye o pelikula. Iyon ay dahil sa pagmo-model niya ng isang brand ng underwear. Sexy naman talaga ang dating ni Gil sa picture at mukhang napansin na naman ng fans.

Natatandaan namin na ganyan din ang lumabas na promo at nakitang enthusiasm ng publiko noong una sa kanya nang ipakilala siya para sa remake ng isang Korea nobela na pinagtambalan nila ni Jennylyn Mercado. Aywan nga ba kung bakit mahina ang serye, at pagkatapos noon parang lumamig ang career ni Gil.

Ngayon lang siya napansin nang ganyan ulit.

Ibig bang sabihin magmula ngayon maaari nang lumabas sa mga sexy projects si Gil?

Dating indie actor, suki ng small time deals

Pinag-uusapan nila ang isang dating indie male star, na wala raw dudang suma-sideline kahit na “small time” lamang. Kasi madalas daw iyong makita na pumapasok nang mag-isa lang naman sa mga maliliit na hotels, at lumalabas matapos ang isang oras o mahigit pa. Ibig sabihin, nauuna na roon kung sino man ang katagpo niya. At bakit sa mga hindi “expensive hotels,” ibig sabihin nga niyan “small time deals” lang siguro ang nangyayari.

Iyang mga ganyang usapan ang nakakasira sa image ng mga artista sa pelikula. Kasi kahit naman sabihin mong “sa indie lang naman iyan lumalabas”, ang sinasabi pa rin “artista sa pelikula”.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with