^

PSN Showbiz

Robin supalpal sa mga expose kay Coco!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Robin supalpal sa mga expose kay Coco!

Pare-parehong “Pamilya tayo! Maraming salamat sa inyo” ang comment ng may Twitter handle na Coco Martin PH sa mga pinost na column item kay Robin Padilla na patungkol sa kanya (kay Coco). Ito ‘yung na quote si Robin at sagot sa mga nag-comment sa Instagram (IG) niya.

Nabanggit kasi ni Robin na may binuhusan ng tubig si Coco na crew sa taping ng Ang Probinsyano dahil natutulog ito. May nabanggit pa si Robin na nakaaway ni Coco ang location ma­nager niya.

Naka-post din sa Twitter ni Coco ang comment na na-witness nang buhusan ni Coco ng tubig ang crew dahil nasa taping sila that time. Pero, nagbibiruan lang sina Coco at ang crew at naghabulan pa nga na parang mga bata at naglalaro.

Pinost din sa nasabing Twitter handle ang comment na minsan niyang nakatrabaho si Coco sa isang afternoon series at pinatunayan na may respeto si Coco sa co-stars niya, lalo na sa crew at mga tao behind the camera.

Magdududa sana kami na baka hindi kay Coco ang Twitter handle, pero may post si Coco na galing sa IG niya at may post pa siya na Valentine’s Day greetings sa lola niya. Pinaghanda raw niya ang lola niya ng favorite nitong beef with broccoli.

Anyway, may mga naghihintay pa rin na sasagutin ni Coco si Robin, but as of today, patuloy na nanahimik si director Coco.

Paano na ang pelikulang pagsasamahan dapat nina Robin at Coco at ibang action stars na si Coco raw ang magdidirek at magpoprodyus? Hindi na ba ‘yun matutuloy? Gusto pa naman ni Sen. Lito Lapid ang project  na pagsasamahan ng dating action stars ng bansa.

Kapehan ni Bea pinasyalan ni Alden

Nakita si Alden Richards sa Dean & Deluca franchise branch na isa sa owner si Bea Alonzo at nasa IG Story rin ng aktor ang pagpunta sa D&D na nasa Sct. Rallos, sa Quezon City. Ni-repost ni Bea ang post ni Alden at nagpasalamat ang Kapamilya actress sa pagbisita ni Alden.

Nagkasama sina Bela at Alden sa Bangkok sa TVC shoot sa pinagsamahan nilang endorsement at nagkakuwentuhan at nabanggit tiyak ni Bela na may D7D franchise branch siya, kaya binisita ni Alden.

Ang wish ng fans, bumisita si Bea sa Concha’s Garden Restauarant ni Alden na malapit sa Sct. Rallos  na kapag nangyari, ang fans ang matutuwa ng husto. Malay natin at matupad ang wish ng fans isa sa mga araw na ito.

Wala pa palang balita kung kailan ang reveal ng endorsement nina Bea at Alden although marami na ang nakakaalam kung ano ito, bawal pa ring banggitin. May na-post na nga sa socmed ng photo ng dalawa, pero mga ulo lang nila ang ipinakita.

Samantala, may mga nagtatanong kung maggi-guest uli si Sanya Lopez sa All-Out Sundays sa Sunday para tuluy-tuloy ma-inspire si Alden sa kanyang performance. Bakit nga hindi na lang gawing mainstay sa Sunday show ng GMA 7 si Sanya para mas masaya at para lalong manggalaiti ang fans na ayaw pang magka-GF si Alden, lalo na kung si Sanya o si Julie Anne San Jose.

Gladys nadagdagan ng kapatid

Last day na this Friday ng Madrasta at isa sa magandang nangyari sa Afternoon Prime ng GMA 7 ay napatunayan nina Juancho Trivino, Arra San Agustin at Thea Tolentino na kaya nilang magdala ng show acting wise at pati sa magandang ratings. Kahit nabubuwisit ang viewers sa kasamaan ni Thea, patuloy sila sa panonood.

Of course, malaking tulong sina Manilyn Reynes, Almira Muhlach at Gladys Reyes at ang iba pang kasama sa cast. Magkaaway sa Madrasta sina Almira at Gladys, pero off-cam, naging friends sila. Bago o pagkatapos ng last taping day nila, nagkita at nag-brunch ang dalawa.

Sabi ni Gladys, mami-miss niya si Almira at thankful siya sa Madrasta dahil nadagdagan na naman ang “sisters” niya. Wish nitong magkatrabaho uli sila at sana, sa next show na.

Dennis tatlo ang asawa

Si Zig Dulay ang director ng Legal Wives, ang bagong primetime series ng GMA 7 na pagbibida­han ni Dennis Trillo. Mahusay na TV and film director si Zig at idagdag pang mahusay ang scriptwriter na si Suzette Doctolero, kaya makakaasa ang Kapuso viewers ng isang magandang teleserye.

Si Zig ang director ng Sahaya, na title role si Bianca Umali na isa sa gaganap na asawa ni Dennis sa Legal Wives. Ang dalawa pang magiging asawa ni Dennis ay sina Alice Dixson at Megan Young.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with