Kahit Kapuso, Dingdong Dantes hiling ang ABS-CBN franchise renewal
MANILA, Philippines — Nagpaabot na ng rin ng pakikisimpatya sa ABS-CBN ang ilang artista mula sa karibal na GMA Network kaugnay ng pinangangambahang pagkapaso ng kanilang prangkisa.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Dingdong Dantes na hindi man sila nasa iisang istasyon ay pare-pareho lang silang nasa iisang industriya, kung kaya't dapat silang magdamayan.
"Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos," sabi ni Dantes, Martes.
Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.
— Dingdong Dantes (@dingdongdantes) February 11, 2020
Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS sa pagtatapos ng March 2020 habang humaharap sa inihaing quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.
Sa kabila nito, inilinaw nina Senate Presidente Vicente "Tito" Sotto at iba pang mambabatas na sa Marso 2022 pa talaga ito magtatapos.
"In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses," dagdag ni Dingdong.
Una nang sinabi ni Calida na walang halong pulitika ang kanyang aksyon laban sa istasyon at ginagawa ito dahil sa pamumuhunan diumano ng mga banyaga sa ABS-CBN at pagpapatakbo ng KBO nang walang permit mula sa National Telecommunications Commission.
Ilang beses na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang ma-renew ang prangkisa ng kumpanya lalo na't hindi raw nila inere ang political advertisements niya noong tumatakbo pa sa pagkapresidente noong 2016.
Dating commissioner ng National Youth Commission si Dantes at kasalukuyang bumibida sa Kapuso remake ng South Korean hit-show na "Descendants of the Sun."
- Latest