Pia travel influencer ang bagong dyowa?!
Nagbigay ng idea…
MANILA, Philippines — Parang may bagong dyowa na si former Miss Universe Pia Wurtzbach.
At nabuking ito sa IG story niya at ng social media influencer na si Jeremy Jauncey na founder and CEO ng Beautiful Destinations na travel guide sa magagandang lugar sa buong mundo.
Magkapareho sila ng IG story – same photo as in sa Dumbo House sa Brooklyn, New York kaya mabilis na nag-conclude ang netizens.
Hindi ito ang first time na nagbigay sila ng suspicion / idea na magkasama sila.
Tahimik pa si Pia tungkol dito pero certified single ang ex beauty queen matapos ang break up nila ng car racing driver na si Marlon Stockinger.
- Latest