^

PSN Showbiz

FDCP at DOLE nagkapirmahan para protektahanang mga trabahador ng showbiz

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos nagkaroon ng hearing at pag-usapan ang Eddie Garcia Law sa Kongreso, nagkaroon na rin ng pirmahan ng kasunduan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Department of Labor and Employment o DOLE ng Memorandum Circular para sa mga nagtatrabaho sa television at pelikula na kung saan mabibigyan sila ng proteksyon.

Isa ito sa ibinalita sa amin ng FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH kamakalawa ng gabi.

Ani Liza; “Joint memorandum circular ito na i-issue ng DOLE, para sa ating workers, sa audio-visual workers sa production.

“So, andun yung rule, yung patakaran na kailangan sundin ng lahat na mga production para i-set ang standard at guidelines kung mag-e-employ sila ng workers sa isang production.”

Mahaba ang paliwanag kung ano ang nakapaloob pero ito naman kasi nakapaloob sa Eddie Garcia Law na pinag-uusapan pa sa Kongreso.

“Isang malaking step to, kasi siyempre pagdating sa batas, sa Congress, ‘yan talaga medyo may katagalan ‘di ba?

“Kailangan natin hintayin yung maraming pag-uusap diyan.

“So, minarapat talaga namin na magkaroon ng transitionary policy na galing sa DOLE mismo,” dagdag niyang pahayag.

Nakapaloob daw sa memorandum na iyun ang guidelines na dapat sundin ng mga produksyon para sa lahat na mga nagtatrabaho.

Kagaya ng oras ng trabaho na dapat walong oras lang at pagkalagpas doon na aabot hanggang 16 hours, may overtime pay na raw iyun depende sa audio-visual workers na na-hire ng isang produksyon.

Pati ang sanitation at accommodation ng lahat na mga nagtrabaho, na hindi lang mga artista ang dapat bigyan ng occupational at health guidelines kundi pati mga maliliit na artista at technical crew.

Marami pang mga bagay na matagal nang hindi naaksyunan, at madalas hindi ito naibibigay sa mga maliliit na trabahador.

Mapi-penalize daw ang mga producer kapag hindi ito masusunod.

“May karampatang penalties, 100 thousand per worker, per hour. So, talagang medyo mabigat din yung enforcement nila.

“Hindi man siya criminalize, pero malaki na rin yung penalty sa bawat paglabag,” saad ni Liza.

Matagal din daw nila itong inayos, at malaki ang pasasalamat niya pinag-usapan na ito sa Kongreso, at kahit hindi pa ito naisabatas, meron na ring ginawa ang DOLE sa pakikipag-ugnayan ng FDCP.

“Three years din ito pinagtrabahuan ng FDCP together with the Actors Guild, Directors Guild, lahat na mga filmworker natin, madaming consultative meetings.

“So, tomorrow finally, meron tayong signing with Sec. Bello ng policy na iri-release ng DOLE, to protect the workers,” pahayag ni Liza nung nakaraang Huwebes ng gabi.

Pops sanay nang walang ka-Valentine

Nakabalik na sa bansa si Marcelito Pomoy pagkatapos niyang makapasok sa grand finals.

Nakakatuwa dahil halos lahat ay masaya sa pagpasok ng dating Pilipinas Got Talent champion sa grand finals ng America’s Got Talent, at isa siya sa malalakas na posibleng manalo.

Nakatsikahan nga namin si Pops Fernandez sa mediacon ng Centerstage na kung saan isa siya sa mga judge, proud na proud daw siya para kay Marcelito at nakakatuwa raw ang suporta ng buong bansa para sa kanya.

“Nakaka-proud naman ‘di ba?

“Ang maganda run talagang nari-recognize ang Filipinos lalung-lalo na sa talent sa pagkanta, sayaw. I guess with the help na rin ng internet, mas nakaka-reach out tayo. Mas napapansin,” pakli ni Pops nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Centerstage na magsisimula na sa February 16.

Ang dami naman daw talagang magaga­ling ngayon at nakakagulat daw ang batang contestants sa Centerstage dahil ang gaga­ling daw na puwede ring makapag-produce doon ng mga magagaling na singers na puwedeng ilaban sa ibang bansa.

“So far, eto walang bola napakaga­ling nila. Ang gagaling na ng mga bata. Ibang-iba na sila.

“Siyempre, iba na nung kabataan namin. Iba na yung emotion, iba na yung confidence nila.

“Hindi ko nga alam kung dahil sa TV, sa internet…nakakapanood sila sa You Tube, nai-inspire sila. Iba na talaga ang generation ngayon,” bulalas ni Pops.

Samantala, sa gitna nang pagdya-judge niya sa Centerstage, patuloy pa rin daw ang rehearsal nila ni Martin Nievera para sa kanilang Valentine concert na Two-gether Again na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21.

Medyo madugo raw ang rehearsals dahil may mga binago sila sa mga ginawa nila sa kanilang US shows.

“Nakakapagod,” pakli niya.

“Basically, we did in the US shows, pero siyempre medyo iniba rin namin nang konti. Para naman meron naman na­dagdag sa ginawa namin.

“Enjoy naman. We will find out. It’s our first Valentine shows after how many years,” sabi pa niya.

Ilang taon na raw siyang walang ka-Valentine at okay naman daw sa kanya. At least ngayon ay si Martin daw ang ka-Valentine niya dahil magkasama sila sa trabaho.

Hindi naman daw siya naghahanap ng ka-Valentine.

“I mean… I’m not sad, I’m not hurt. Pero nasanay na ako, ilang taon na rin.

“At least now, meron akong gagawin dahil may trabaho ako. Hindi ako mag-stay sa bahay,” napapangiti niyang pahayag.

 

vuukle comment

FDCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with