^

PSN Showbiz

Xian natutong magpakatotoo

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xian natutong magpakatotoo
Xian

Bukod sa teleseryeng Love Thy Woman ay abala na rin si Xian Lim para sa promotion ng pelikulang Untrue kasama si Cristine Reyes. Makakasama rin ng aktor si Ryza Cenon sa pelikulang Sa Muli.

Itinigil daw muna ng aktor ang pagiging direktor sa mga proyekto at sa halip ay ang pag-arte muna ang pagtutuunan ng panahon. Matatandaang si Xian ang nagdirek ng pelikulang Tabon noong isang taon na nakalahok sa Cinemalaya Film Festival. “Para sa akin, just being true to who you are. Definitely you have to compromise and everyday it’s a learning experience, ‘yon lang. Natutunan ko rin bilang Ricky Lee student na ‘yung paninindigan mo sa gusto mong gawin at sa mga gusto mong sabihin, dapat nando’n pa rin. It’s supposed to be there but of course with a little bit of compromise,” nakangiting pahayag ni Xian.

Si Sigfrid Bernardo ang direktor ng Untrue at ayon kay Xian ay marami raw siyang mga bagay na natutunan mula  sa direktor. “She’s very intense. Hindi siya nagmu-move on to the next scene or sasabihin na, ‘Okay na ‘yan, ayusin na lang natin sa post prod o bawi na lang sa susunod.’ No, never, she’s not gonna settle for less. Sobrang dedicated ni Direk Sigfrid sa craft niya and the obsession I see is that burning passion na ang galing lang. Ang galing lang para sa isang nagsisimulang tulad ko to witness how she works,” pagbabahagi ng aktor.

Robi aminadong nag-iiba ‘pag kasama ang GF

Madalas na nagpo-post si Robi Domingo sa Instagram ng tungkol sa kanila ng kasintahan na si Maiqui Pineda. Ayon sa TV host ay talagang magkasundong-magkasundo sila ng nobya. “I think it’s high time naman para ipakilala siya. I have been very vocal about her sa Instagram. And wala naman akong tinatago, kasi she’s a very, very pleasant girl filled with a different side of me. Kasi I’m into talking about non-sense, and siya ‘yung parang may purpose sa buhay,” makahulugang pahayag ni Robi.

Ayon sa binata ay malaki rin ang naitutulong sa kanya ng kasintahan sa iba’t ibang aspeto. “I learned a lot from her. Kasi I came from a medical background, from my family, my parents are both doctors. Sa lahat ng finances tapos business aspects siya ang nagbibigay sa akin. So ngayon, mas geared ako sa preparing my future. It’s nice kasi may katuwang ka,” paglalahad niya.

Umaasa si Robi na si Maiqui na ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “Hopefully, kasi nag-iiba ako kapag kasama ko siya. Hindi talaga ako sweet as a person, when it comes to my relationships, but with her, ako ‘yung clingy,” pagtatapat ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with