^

PSN Showbiz

Xian may nerbyos pa rin sa career

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Xian may nerbyos pa rin sa career
Xian

Aminado si Xian Lim na may kaba pa rin siya sa itinatakbo ng kanyang career. Hindi nga kasi maikakaila na ngayon tila hindi siya masyadong visible dahil nawalan nga siya ng network back up simula nang umalis siya sa dati niyang kumpanya, pero aminado naman siyang kailangan niyang gawin iyon para mas sumulong ang career niya.

Kaya nga noong matapos na raw ang kanyang contract, nagpaalam naman siya nang maayos at sinabi niyang hahanap lang siya ng advancement sa kanyang career, kaya lumipat siya sa Viva.

Sa bago naman niyang kumpanya, nabigyan siya ng pagkakataon hindi lamang bilang isang actor kung hindi bilang director din ng pelikula. Nagkakaroon siya ng pagkakataon sa iba’t ibang role, kagaya nga noong medyo off beat niyang role sa pelikula niyang Untrue, na ilalabas sa buwang ito.

“Mas challenging iyong roles na nakukuha ko, medyo naiba kaysa sa dati. Dati kasi it is more of romcom, kasi iyon naman ang kumikita noon. Ngayon nakakakaba pero welcome sa akin ang mga pagbabagong nangyayari,” sabi ni Xian.

This time ang pelikula nila ay ginawa sa Georgia, na sinasabi nga niyang isang napakalayo at nakababagot na location.

“Ang biruan nga namin sa set, babalik pa ba tayo rito? Kasi it is so quiet. Parang masyadong remote iyong lugar, although urban city rin naman siya,” sabi pa ni Xian.

Aminado rin si Xian na hindi siya ang first choice para gampanan ang role sa Untrue.

“It was meant for someone na more matured, kaya kailangan ko ring mag-adjust pati sa looks. Pero ok naman, palagay ko nagawa namin nang mahusay ang pelikula,” sabi ng actor.

Coco hindi nadikitan ng bagong katapat!

May bago na namang seryeng itinapat kay Coco Martin, pero lumalabas sa mga overnight survey na umabot lamang sa kalahati ng ratings ng kanyang serye ang kanyang bagong kalaban. Ni hindi nakadikit. Kaya nga minsan iniisip namin, kung ganyan pa ba katibay ang audience share ng kanyang serye, talaga nga kayang tatapusin na nila iyon?

Mayroon kasing mga basher na nagkakalat na hanggang March na lang daw ang serye ni Coco. Iyon pala dahil nanunukso lang sila na baka magsara na rin ang network by that time, pero malabo iyon. Parang nakakatakot na tapusin ang serye ni Coco at magsimula ng ibang hindi ka nakasisiguro sa resulta.

Isipin ninyo, lahat ng itapat sa kanya tiwarik sa ra­tings, tapos tatapusin mo ba nang ganoon lang?

Iyon nga lang, apektado na ang nanonood ng pelikula niya dahil doon.

Fashion designer may share sa kasal ng aktor sa magandang misis

Habang nagpapaypay gamit ang isang Spanish fan, nakataas ang kilay na sinabi ng isang bading na fashion designer na “he’s still mine,” na ang tinutukoy ay isang actor na may napakagandang asawa. Sa kabila pala ng kagandahan ng kanyang misis, hindi pa rin maiwan ni mister ang bading, at ang dahilan, siyempre kasi napakadatung ng fashion designer.

In fact, tumulong pa nga raw ang fashion designer sa gastos ng pagpapakasal ng kanyang actor-boyfriend sa napakagandang asawa noon.

“I feel I’m as beautiful as her,” sabi pa ng bading.

vuukle comment

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with